Matteo, umamin na raw na buntis talaga si Sarah!

Kumpirmadong preggy raw si Sarah Geronimo ayon sa isang source. Six months na raw ang dinadala nitong first baby nila ng mister na si Matteo Guidicelli.
Mismong si Matteo diumano ang nag-confirm na magiging mga magulang na nga sila ni Sarah.
Pero hintayin natin ang kanilang confirmation kung totoo nga ang kuwento ng isang source.
Habang si Kim Chiu naman ay marami talagang nagsasabi na preggy raw.
Sa mga kilos daw kasi ng actress/TV host, parang nagdadalang-tao raw ito.
Spotted ito kahapon sa airport kasama si Paulo Avelino.
May hawak itong bulaklak, sa may bandang tiyan, kaya hindi pa rin nakikita ang tiyan nito.
Again, hayaan natin na kumpirmahin nila ni Paulo kung anuman ang totoo.
Pero ba’t kaya parang kulang sa suporta ang friends ni Kim sa kanyang laban sa kapatid niyang si Lakambini?
Parang hindi siya suportado ng mga kasama niya sa It’s Showtime o kahit man lang si Angelica Panganiban?
Ice, tumatak sa puso ang teatro!
Bago pa man nakilala si Ice Seguerra sa ganda ng kanyang boses at husay sa paggigitara, isa lang siyang bata na nagmamahal sa musika.
At ngayon ay nagbabalik siya sa mga kuwento at istorya na naging dahilan upang siya ay kumanta, sa Ice Sings! An Intimate Concert Series — Part I: Broadway & Disney, sa Nov. 6 and 7, 2026, na gaganapin sa Music Museum.
“My mom introduced me to musicals when I was very young. Lumaki ako watching The Sound of Music and West Side Story,” pag-aalala niya.
“I was taking voice lessons at the UP College of Music when I was seven. I sang ‘Part of Your World’ from The Little Mermaid at my recital. Pang-Disney ang song choice ko noon!” dagdag niya na tumatawa.
At ang kanyang first stage production ay ang Little Shop of Horrors with Repertory Philippines. Habang ang pangalawa ay ang The Wiz, na sa Repertory Philippines din kung saan ginampanan niya ang role na si Dorothy.
Habang siya ay nagkakaedad, ipinagpatuloy niya ang pagganap sa musical theatre, appearing in productions tulad ng The Rocky Horror Show, Avenue Q, and Rock of Ages.
Para kay Ice, ang musical theatre ay lagi niyang nagagawa ang dalawang bahagi ng kanyang pagiging artist: acting and singing. “I started as a performer, and music became such an important part of my life. But musical theatre has always been special to me because I get to do both,” he says. “Hindi lang siya tungkol sa pagkanta. You have to know what the character wants, what the song means, and why that moment matters.”
At ang ugali na iyan ay nananatili sa puso ng Ice Sings!
Para sa kanyang unang live na pagtatanghal, bumaling siya sa mga awitin mula sa mga Broadway musical at mga pelikula ng Disney – mga kantang puno ng mga karakter na naghahanap ng pag-ibig, lakas ng loob, pagtanggap at kalayaang maging tunay na sarili.
- Latest




















