^

Pang Movies

Sophia ng Katseye, nag-solo na sa forgotten...

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sophia ng Katseye, nag-solo na sa forgotten...
Sophia Laforteza.
STRA/ File

Para kay KATSEYE leader, Sophia Laforteza, isa raw sa pinaka-mea­ningful opportunities na dumating sa buhay niya ay ang maging bahagi ng soundtrack ng upcoming DreamWorks Animation film na Forgotten Island.

Ka-join ang singer sa isang special remix ng iconic INXS song na Never Tear Us Apart, na tampok sa pelikula at para sa kanya, hindi lang basta music project ang opportunity na ito dahil malapit sa kanyang puso ang values na ipinapakita ng pelikula.

Habang nire-record ang kanta sa studio, ibinahagi ni Sophia kung gaano siya kasaya na maging bahagi ng project. “It feels good. When I was told I was going to be a part of this project, I remember thinking this is the most Sophia thing I could do as one of the first things I do on my own,” sey niya sa video na inilabas sa Instagram ng Forgotten Island account.

Ayon sa KATSEYE member, especially meaningful para sa kanya ang project dahil connected ito sa mga bagay na pinapahalagahan niya – ang kanyang culture, women empowerment, family at friendship. “Because of just how much it aligns with everything I believe in, my culture, celebrating women, family, friendship.”

Umiikot kasi ang pelikula sa magkakaibigang sina Jo, played by H.E.R., at Raissa, played by Liza Soberano. Matapos nilang matuklasan ang isang mysterious portal, napunta sila sa magical island ng Nakali, kung saan makakaharap nila ang iba’t ibang magical at mythological creatures habang sinusubukan nilang makauwi.

“For me, friendship is one of the most beautiful journeys you can go on in life,” sey ni Sophia.

Dagdag pa niya, mahalaga rin para sa kanya ang pagiging proud sa sariling roots at ang pagpapanatili ng connection sa sariling identity.

“Staying true to where you come from and being proud of it and holding onto that.”

Ayon sa dalaga, ang pagsali sa Forgotten Island soundtrack ay isang opportunity na hindi lang niya maituturing na career milestone, kundi isang project na genuinely reflects who she is and what she believes in.

Anthony, maghihintay

Habang patuloy ang ligawan nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino, isa sa naging mahalagang bahagi ng kanilang journey ang pagkilala sa kani-kanilang pamilya.

Sa kanilang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, binalikan ng dalawa ang kanilang experiences nang makilala ang pamilya ng isa’t isa.

Noong September 2025, nagtungo si Anthony sa Banta­yan Island, Cebu upang makilala ang pamilya ni Shuvee.

Samantala, kamakailan naman ay nakilala ni Shuvee ang pamilya ni Anthony nang magpunta siya sa Los Angeles, California.

Ayon kay Shuvee, naging warm at welcoming sa kanya ang pamilya ni Anthony. Isa rin sa mga espes­yal na bagay na natanggap niya ay isang Bible mula sa ina ng aktor. “His mom is really, really nice. All the family members, even grandma, they’re all so nice,” pagbabahagi ni Shuvee.

Ayon kay Shuvee, naging warm at welcoming sa kanya ang pamilya ni Anthony. Isa rin sa mga espesyal na bagay na natanggap niya ay isang Bible mula sa ina ng aktor.

Ikinuwento rin ng aktres na natuwa ang pamilya ni Anthony nang malaman nilang natututo itong manligaw sa traditional Filipino way. Dahil lumaki sa United States si Anthony, hindi raw niya nakasanayan ang ganitong klaseng panliligaw.

Ipinaliwanag ni Shuvee sa pamilya ni Anthony na mahalaga sa kanya ang Filipino values at principles pagdating sa relasyon. Masaya rin siyang nakikita na willing si Anthony na mag-adjust at matuto tungkol sa kultura ng Pilipinas.

Samantala, heartwarming din ang experience ni Anthony nang makilala niya ang pamilya ni Shuvee sa Bantayan Island.

Para sa aktor, naging parang “reality check” ang pagbisita dahil nakita niya mismo ang lifestyle at environment na kinalakihan ni Shuvee.

Ibinahagi rin niya na tinuruan siya ni Shuvee kung paano ginagawa ang traditional courtship. Kabilang dito ang simpleng acts of service na ginagawa noon ng mga manliligaw, gaya ng pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng tubig.

Nang sabihin ni Shuvee na maaari ring ipakita ang panliligaw sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing bahay, hindi ito pamilyar kay Anthony. Gayunman, willing siyang gawin ang mga ito para kay Shuvee.

Sa kabila ng sweet moments nila, hindi pa rin sinasagot ni Shuvee si Anthony.

SOPHIA LAFORTEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with