^

Pang Movies

Sikat na aktres, nabudol ng manliligaw!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

HINIWALAYAN na raw ng isang sikat na aktres na nagbibida na sa TV at mo­vies ang isang lalaking inakala niya eh maayos ang buhay!Sa isang okasyon na parte si aktres, nabalitang mula sa kanya ang ipinambayad na tseke sa okasyon.

Pero hindi pala, ayon sa aming source! Sa nabalitang boyfriend niya ang ipinambayad sa venue!

‘Yun nga lang, dishonored ang ibinayad na cheke!

Sa galit ni aktres, dinispatsa na niya ang suitor na dahil sa kayabangan eh pati siya nadadamay!

Regine, kinuyog ng scalpers

SLOW down ang next move ni Asia’s Songbird Regine Velasquez after ng three-night concerts niyang Finale sa Mall of Asia sa October.

Wala na naman kasing kailangan pang patunayan si Regine after her more than 40 years sa business.

Bibigyang-halaga naman ni Regine ang pagi­ging ina, asawa at kapatid. Tutal naman, hindi matatawaran ang achievements niya bilang singer, host at aktres. Hindi na niya kailangang magpasiklab pa!

Sa Finale concert ni Songbird, may ginawa silang paraan upang maiwasan ang scalpers na mapagsamantala sa concert. Eh ilang minuto lang kasi nang ilabas ang tickets sa concert, sold-out agad ito!

Maging ang third night ng concert ay may gimik silang ginagawa nang sa gayon eh makapanood ‘yung kapos sa budget ayon sa producer na kapatid niyang si Cacai Mitra. Mapapanood sa Oct. 17, 18 and 19 ang ang final major concert na Finale sa Mall of Asia Arena.

“It’s about time na ayusin ko ang buhay ko!” diin ni Regine sa harap ng media.

Chloe, tanggap na ng bashers

INSTANT favorite na naman ng bayan ang gymnast at Olympian na si Carlos Yulo matapos ang kontrobersyang sangkot ang girlfriend na si Chloe San Jose versus ina at lola ni Caloy.

Wiped out ang recent palitan ng posts sa social media nang makamit ni Carlos ang unang gold medal ng bansa sa Asian Games na ginagawa ngayon sa Japan.

Not one but two golds ang take-home ni Carlos sa labanan sa gymnast!

As expected, may post ang GF niya sa panalo ni Caloy! Eh kahit may mga ayaw kay Chloe, eh dyowa siya ni Caloy kaya wala kayong magagawa!

Ipagbunyi na lang natin ang nakuhang gintong medalya sa Asian Games ni Carlos Yulo!

REGINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with