Pokwang, emosyonal pa rin ‘pag naaalala ang anak

Emosyonal na inalala ni Pokwang ang mapait niyang karanasan bilang ina nang hindi siya nakauwi sa Pilipinas nang pumanaw ang panganay niyang si Shin dahil sa brain tumor.
Sa guesting niya sa i-Listen, ikinuwento niyang isinilang niya si Shin noong 1992 at si Mae noong 1996 sa Pilipinas, pero kailangan niyang bumalik sa Japan para magtrabaho at iwan ang mga anak sa nanay at kapatid. May naging karelasyon siyang Japanese national noon pero hindi ito sumuporta sa mga bata.
Noong 1998, nasa Abu Dhabi na siya nang ma-diagnose na may brain tumor ang anim na taong gulang na si Shin.
“June kasi ako nu’ng umalis. Pero nakita na, August na nakita na mayroon siyang brain tumor. Pero bago ako umalis noong June, sabi ko bakit parang iba na ‘yung lakad niya. Tapos bumabagsak ‘yung katawan niya. Tapos sabi ng nanay ko, ‘pag daw nagba-vomit siya, ‘yung pasirit. Tapos, hindi niya makontrol ‘yung lakad niya,” kuwento ni Pokwang.
Habang nasa Abu Dhabi si Pokwang, inirekomenda ng doktor na ipa-CT scan si Shin at doon nakitang malignant na ang tumor.
Hindi siya agad nakauwi dahil kailangan pa niyang mag-ipon para sa gamot ng anak, at tinulungan siya ng mga kaibigang Pilipino sa Abu Dhabi.
Nang maipadala na niya ang pera, huli na ang lahat. Masakit para kay Pokwang na malaman na hinahanap siya ng anak noong may sakit ito at naghihintay sa kanyang pagdating.
“Nu’ng pinadala ko ‘yung pera, wala na eh. Bumigay na ‘yung bata. Hindi na niya kinaya. Namatay siya. Wala ako sa tabi niya.
“Ang pinakakumurot talaga sa akin ‘yung nasa ospital siya na, ‘Si mama ba ‘yan? Si mama na...’ Every time na bubukas ang pinto. Tinatanong niya kung si mama na ‘yan. Tinatawag niya ako. Parang, ‘Si mama ko na ba ‘yan?’ Every time na may dadalaw sa kanya.
“Hindi rin ako makauwi kasi wala naman akong pamasahe. Ang sabi sa akin, ‘Kung uuwi ka nang hindi tapos ang kontrata, sasagutin mo ‘yung pamasahe mo,” paglahad ni Pokwang.
Setyembre nang pumanaw noon si Shin at Disyembre pa puwedeng umuwi si Pokwang. Ginamit na lang daw sa pampalibing ni Shin ang perang pinadala niya.
Dahil sa pangyayari, nagpasiya si Pokwang na hindi na maging OFW o overseas Filipino worker.
Nagtrabaho si Pokwang bilang backup dancer sa Eezy Dancing ng TV5 in 1998 at sa ilang comedy bars bago siya sumali at nanalo siya sa reality talent show segment ng Yes Yes Show na Clown in a Million in 2004. Nabigyan ng kontrata sa ABS-CBN si Pokwang at unang teleserye niya ay ang Maid in Heaven.
Last month ay nanalo si Pokwang ng best actress sa 22nd Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang 2 Valid IDs.
Candy, dinamayan ang nanay na ‘di nagpapahinga
Humanga ang marami kay Candy Pangilinan matapos niyang mag-abot ng mensahe sa isang nanay na nag-rant online dahil sa pagod sa pag-aalaga sa anak na may autism.
Bilang kapwa nanay na may parehong karanasan, pinaalalahanan ni Candy ang ina na huwag kalimutang magpahinga at huminga.
“I can empathize na nakakapagod. Talaga naman nakakapagod, ‘di ba? Lahat naman tayo napapagod bilang mga nanay. Actually, kahit hindi ka nanay, nakakapagod. Bilang tao, nakakapagod.”
Para sa mga nanay na nakararanas ng “mom guilt” tuwing nagpapahinga, paalala ni Candy na puwedeng mapagod ang isang ina sa pag-aalaga.
“Kasi kung depleted na depleted ka na, ‘yung talagang pagod na pagod ka na, ano pang maibibigay mo? Tuyot na tuyot ka na, e. Wala ka nang ilalabas. So, I think you have to recharge. Kailangan masaya ka, maganda ‘yung outlook mo, ‘yung mindset mo. ‘Yung may lakas ka, in other words, para meron kang lakas din na ibibigay.”
Aminado si Candy na may mga pagkakataong hindi na niya talaga alam kung ano ang gagawin kapag may tantrums si Quentin. “Minsan hinahayaan ko siya. Minsan dinadaan ko sa humor, kung kaya. Minsan natutulala lang ako kasi hindi ko alam.
“Binubuntong-hininga ko o papasok ako sa loob ng kwarto. Most of the time, ganoon, lalo na kapag nagwawala siya. Para ma-process niya kasi medyo matagal ‘yung proseso. Para ma-realize nila na mali ‘yung ginagawa nila. You give them space for them to realize and to process it,” paliwanag ni Candy.
Ex-Hollywood teen star, nakulong
Na-detain for 36 hours for obstructing/resisting an officer ang former Hollywood teen star na si Jonathan Taylor Thomas (JTT) sa Malibu, California.
Ayon sa police report na nakuha ng People: “The driver was being detained for DUI investigation. Sometime during the investigation, Mr. Taylor decided he would exit the vehicle. Deputies told him to sit back down in the vehicle. He was uncooperative with them, failed to follow orders, and obstructed the investigation, so he was arrested for obstruction, and he was arrested for drunk in public.”
Sumikat si JTT sa ‘90s sitcom na Home Improvement with Tim Allen. In 1998, tumigil ito sa pag-arte para ipagpatuloy ang pag-aaral niya. He attended Harvard University and graduated from Columbia University School of General Studies.
Nag-slight comeback si JTT in 2004 sa pag-guest niya sa shows na Smallville, Veronica Mars at 8 Simple Rules. Last TV appearance niya ay nung 2015 sa sitcom na Still Standing.
- Latest

























