Pangasinan, lalagyan ng water detention basin - DPWH
MANILA, Philippines — Magtatayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng water detention basin sa Dagupan, Pangasinan para maibsan ang matinding baha sa lugar tuwing malakas ang pag-ulan.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ang naturang detention basin ay itutulad sa Metropolitan Cathedral of St. John the Evangelist, alinsunod na rin sa kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Kumpiyansa naman si Dizon na makakatulong ang naturang imbakan ng tubig para hindi na makaranas ng ilang linggong pagbaha ang Dagupan, na kilala bilang isa sa mga lugar na “notoryus” sa pagbaha kapag may habagat o bagyo.
“Base sa direktiba ng ating Pangulo na talagang mag-execute na tayo, kumilos na tayo. We will execute and put in motion all these plans dito sa Dagupan,” ani Dizon.
Nabatid na ininspeksiyon ni Dizon ang Dagupan sa Pangasinan, kasama sina Archbishop Socrates Villegas, Pangasinan 4th District Rep. Gina De Venecia at Dagupan Vice Mayor Dean Bryan Kua.
- Latest





















