Mary Jane Veloso, binigyan ng absolute pardon ni Marcos

MANILA, Philippines — Malaya na si Mary Jane Veloso na halos 15 taong nakakulong at naharap sa death row sa Indonesia bago siya naibalik dito sa Pilipinas noong 2024 matapos pirmahan ni Pangulong Marcos ang kanyang absolute pardon.
Ang absolute pardon ay ang pagbabalik sa civil at political rights ng isang indibidwal at pinapawalang bisa ang mga natitirang parusa ng walang kondisyon.
Matatandaan na si Veloso ay inaresto at sinintensyahan ng bitay noong Oktubre 11, 2010 matapos na madiskubre na ang kanyang bitbit na maleta ay naglalaman ng 2.6 kilo ng heroin.
Subalit, noong 2015 ay napalitan ang kanyang sentensyang kamatayan nang mas magaan na parusa matapos ang pag-apela ng yumaong si Pangulong Noynoy Aquino III.
Nitong Disyembre 2024 ay pinayagan ng mga awtoridad ng Indonesia na ilipat ng kustodiya sa Pilipinas si Veloso kung saan ikinulong siya sa Correctional Instituion for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Nauna na rin hiniling ng mga kaanak ni Veloso at iba pang grupo ang pagpapalaya sa kanya at apela kay Marcos para sa pardon nito.
- Latest




















