^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa babae na isinilid sa ref, kinasuhan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa babae na isinilid sa ref, kinasuhan
Sinampahan ng kasong robbery with homicide noong Huwebes sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office laban sa isang alyas “Dan Kenneth” na itinurong suspek sa pagpatay sa isang babae, 30, at single mother.
Courtesy: Rodriguez police

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines — Nagsampa ng kasong kriminal ang pulisya laban sa pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 30-anyos na babae na natagpuan ang naagnas na bangkay sa loob ng refrigerator sa inuupahang apartment sa Rodriquez, Rizal.

Sinampahan ng kasong robbery with homicide noong Huwebes sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office laban sa isang alyas “Dan Kenneth” na itinurong suspek sa pagpatay sa isang babae, 30, at single mother.

Sinabi ni Lt. Col. Arwyn Gaffud, hepe ng pulisya ng Rodriquez, na ang suspek na naunang itinuring na person of interest, ay positibong kinilala ng tatlong lala­king saksi na hu­ling nakita na kasama ng biktima bago nadiskubre ang bangkay nito sa loob ng refrigerator sa Brgy. San Jose, Rodriquez, Rizal, noong nakaraang Miyerkules, Sept. 16, alas-9 ng umaga.

Ang suspek ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong robbery sa Paranaque City noong 2025 at sangkot din umano sa insidente ng pagdukot sa Chinese.

Sinabi ng kasera ng apartment sa pulisya na pumunta siya sa pinauupahang unit noong Setyembre 10 para papirmahan ang kontrata sa pag-upa, ngunit walang sumagot sa kanyang pagkatok. Matapos aniya ang ilang araw ay bumalik siya para sa parehong layunin at napansin na ang mabahong amoy na nagmumula sa apartment sanhi upang madiskubre ang bangkay ng babae na naagnas na sa loob ng refrigerator.

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with