^

Bansa

Romualdez maghahain ng petition for bail

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang mag­hain sa Lunes, Setyem­bre 28, ng petition for bail o piyansa si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kinakaharap nitong P7.44 bilyong kasong plunder sa Sandiganbayan.

Ito ang sinabi ng kampo ni Romualdez matapos ang pre-trial proceedings ng kaso sa graft court noong Biyernes.

Ayon kay Atty. Ade Fajardo, abogado ni Romualdez, handa na silang magsumite ng petisyon at inaasahang ihahain ito sa Lunes.

Gayunman, sinabi ng Sandiganbayan Third Division na hanggang Setyembre 24 ay wala pa itong natatanggap na pormal na petisyon mula sa kampo ni Romualdez, bagama’t nauna na itong ipinahiwatig ng kanyang abogado.

Posibleng isagawa ang mga pagdinig para sa petisyon sa piyansa mula Oktubre 12-Nob­yembre 12. Inaasahan namang maghaharap ang prosekusyon ng 23 testigo para sa naturang mga pagdinig.

Sa paglilitis sa kasong plunder, nakatakdang magprisinta ang prosekusyon ng 96 testigo, habang 49 sa panig ng depensa.

Ayon sa depensa, handa ring tumestigo si Romualdez sa kaso.

ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with