^

Bansa

SUV hulog sa bangin: Driver todas, pinsan sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
SUV hulog sa bangin: Driver todas, pinsan sugatan
Benguet Map of Benguet.
Wikimedia

Galing sa lamayan

MANILA, Philippines — Patay ang 29-anyos na driver at sugatan naman ang kanyang 39-taong gulang na pinsan matapos na mahulog ang kanilang SUV sa matarik na bangin sa Barangay Ampucao, Itogon, Benguet kahapon  mada­ling araw.

Sa imbestigasyon ng Itogon Police, galing sa lamay ang magpinsan at pauwi na sana sila sa Sitio Santa Fe ng nasabi ring barangay nang mang­yari ang aksidente.

Hindi umano nakontrol ng driver ang sasakyan sa kurbadang bahagi ng kalsada at nahulog sa may 80-metrong lalim na bangin ang SUV na parang latang nayupi pagbagsak sa baba.

Unang naihaon ang pasahero na nagtamo ng sugat sa katawan na agad dinala sa ospital pero ang driver ay hindi na naisalba pa ang buhay

Inaalam pa kung nakainom o nasa impluwensya ng alak ang dalawa bagama’t walang nakikitang foul play sa trahedya.

BENGUET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with