5 sinampahan ng murder sa pagkatuklas ng bangkay
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sinampahan ng reklamong murder ang limang identified suspects kaugnay ng pagkakatuklas sa bangkay ni Jonel Serrano na natagpuan sa loob ng isang plastic container drum sa gilid ng kalsada sa Barangay Biclat, San Miguel, Bulacan noong Agosto 14, 2026.
Isinumite na rin sa Office of the Provincial Prosecutor ang case folder kasama ang mga supporting affidavits, extra-judicial confession ni Jomar Martinez, at iba pang documentary evidence para sa preliminary investigation at kaukulang disposisyon.
Sa kasalukuyan, apat sa limang pangunahing suspek ang nasa kustodiya ng San Miguel MPS, naaresto ang tatlong suspek noong Agosto 14, 2026 habang sumuko naman ang isang suspek nonng Agosto 15, 2026. Patuloy naman ang intensive manhunt operation para sa natitirang suspek na nananatiling at large.
- Latest


















