^

Police Metro

Motorsiklo bumangga sa poste at puno: Rider at angkas, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Motorsiklo bumangga sa poste at puno: Rider at angkas, dedo
Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), kinilala ang mga nasawi na sina “Ephraim”, 24-anyos, residente ng Malinta,Valenzuela City at “Nikka”, 29, residente ng Quezon City.
Philstar/File

MANILA, Philippines — Kapwa hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang rider at pasahero nang dumulas at bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang puno at poste sa Antipolo City, Rizal, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), kinilala ang mga nasawi na sina “Ephraim”, 24-anyos, residente ng Malinta,Valenzuela City at “Nikka”, 29, residente ng Quezon City.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-3:09 ng madaling araw sa palusong na bahagi ng Sumulong Highway.

Mula umano sa Antipolo proper ay binabagtas ng motorsiklo ang direksyon ng Masinag at pagsapit sa pababa na bahagi ng bundok ay nag-overshoot ito at dumiretso hanggang sa bumangga sa puno at poste.

Tumanggi na ipa-otopsiya ng mga kaanak ang labi ng mga biktima.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with