^

Police Metro

Mass shooting sa schools, posibleng gawa ng sindikato

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng organized at syndicated na grupo ang nasa likod nang sunud-sunod na mass shooting sa mga paaralan.

Ito ang pangamba ni Senator Kiko Pangilinan sa gitna ng budget hearing ng Department of Justice (DOJ) at mga ahensiya nito.

Tinukoy ni Pangilinan na hindi pangkaraniwan ang tatlong beses na magkakasunod na insidente ng pamamaril sa mga eskuwe­lahan na hindi nangyayari noon.

Hindi aniya siya magugulat kung isang sindikato ang nasa likod ng mga mass shooting incidents para ma­kalikha ng gulo, takot, kawalan ng katatagan at pahinain ang gobyerno.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Diretor­ Melvin Matibag, valid at may basehan ang obserbasyon ng senador.

Katunayan aniya, sa ka­­nilang mga pagsisiyasat ay may iba’t ibang grupo na nagti-trigger sa mga estud­yante na makagawa ng krimen tulad ng pamamaril.

Aktibo aniyang mino-monitor ng NBI at DOJ ang impormasyong ito kung saan may isang indibidwal na may kaugnayan sa nangyaring school shooting­ sa South Cotabato ang hawak na ngayon ng NBI at may mga nadakip din kahapon na groomer mula sa Cebu.

MASS SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with