^

Police Metro

South Cotabato student, kinasuhan ng online threat, sinipa sa paaralan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang estudyante ng South East Asian Institute of Technology (SEAIT) sa Tupi, South Cotabato ang kinasuhan ng grave threats sa ilalim ng Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, dahil sa umano’y ginawang online threat.

Ayon kay South Cotabato Gov. Reynaldo S. Tamayo Jr. na ang nasabing estudyante ay residente ng Lambayong, Sultan Kudarat at inatasan niya ang school admi­nistration na patalsikin na at hindi na puwedeng mag-aral sa nasabing eskuwelahan na pag-aari ng  kanilang pamilya.

Sinabi ni Tamayo na nagkakaloob sila ng libreng edukasyon sa SEAIT pero sa kabila nito ay nakagawa ng mabigat na pagkakasala ang nasabing estudyante na binalewala ang magandang layunin ng kaniyang pamilya at maaring maglagay pa sa peligro sa buhay ng mga kapwa nito estudyante.

Nabatid na ang estudyante ay nag-post sa social media noong Setyembre 22 ng pananakot habang may video rin sa armas na umano’y gagamitin niya sa pamamaril sa SEAIT bunsod upang maimbestigahan ito at maaresto ng pulisya.

Binigyang diin ng gobernador na ang nasabing insidente ay magsilbing babala sa mga kabataan at kanilang mga magulang na seryosong kaso ang pagbabanta ng karahasan.

KARAHASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with