3 araw na walang pasok sa NCR para sa ASEAN Summit - Malacañang
MANILA, Philippines — Idineklara ng Malacañang ang Nobyembre 16 hanggang 18, 2026 bilang mga espesyal na araw na walang pasok (special non-working days) sa National Capital Region (NCR) para sa 4th ASEAN Summit and Related Summits.
Sa ilalim ng Proclamation No.1447, ang tatlong araw na suspensyon sa trabaho ay naglalayon na maibsan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko at masiguro ang ligtas at seguridad ng mga dadalo sa summit.
Ang nasabing proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto nitong Setyembre 17,2026 kung saan nakasaad sa proclamation na ang 49th ASEAN Summit and Related Summits ay gaganapin sa Metro Manila.
Base sa ASEAN’s 2026 national calendar, magkakaroon ng ASEAN related meetings sa Metro Manila sa Nobyembre kabilang dito ang 16th ASEAN Maritime Forum sa Nobyembre 17 at 14th. Expanded ASEAN Maritime Forum sa Nobyembre 18.
- Latest















