Kris, ipinagmalaki ang ‘public service’ ni Bimby

Proud mommy si Kris Aquino sa bagong endorsement na healthcare ng kanyang anak na si Bimby Aquino.
Sa kanyang bagong post ay ini-reshare ng Queen of All Media ang promo video ng bunsong anak at inihayag ang kanyang pagmamalaki bilang isang ina.
“Bimb, I purposely waited for the video to be posted, before watching and i am a very proud mama. You spoke from the heart,” simula ni Krisy.
Sey pa ni Kris, madalas nga raw nilang napag-uusapan ni Bimby ang dapat talagang magkaroon ng healthcare ang mga mamamayan. “The 2 of us have often discussed that healthcare should be the government’s responsibility for all tax paying citizens. When you told me that you wanted to go into public service i already started to nag you that healthy citizens will be hardworking tax paying citizens,” aniya.
“And children learn so much from K to grade 6. I told you that my dream for all public schools was to have a Science Technology Engineering and Math classroom equipped with 1 computer per child and strong internet because by investing in that, we are giving the youth the tools they need to have jobs anywhere in the world but i pray that there will be enough work in our country that going abroad won’t be necessary,” saad pa ni Kris.
Umani naman ng papuri ang post ni Kris mula sa netizens at pabor na pabor sila sa mga sinabi ng nanay ni Bimby.
Dominic at sue, ok na ulit ang relasyon?!
Nagdiwang ang fans nina Dominic Roque and Sue Ramirez na finally ay may post na ang magdyowa na magkasama sila.
Sa kani-kanilang Instagram account ay nag-post sila ng video na tila nasa isang camping adventure sila sa may tabing-ilog.
“Our Happy Place, Sarap ng weather... Araw, ulan, maulap,” caption ni Dominic.
Makikita sa video na very sweet ang magdyowa at walang senyales na nagkakalabuan sila tulad ng mga ispekulasyong naglalabasan.
Matatandaan kasing nagkaroon ng break-up rumor sa dalawa kamakailan matapos punahin ng netizens ang pagiging tahimik ni Dominic sa pagpanaw ng ina ni Sue noong nakaraang Agosto.
Bukod dito, napansin din ng fans na matagal nang walang post ang dalawa na magkasama sila kaya ang hinala nila ay baka nag-break na ang dalawa o ‘di kaya ay nagkakalabuan.
Sa isang post ni Dominic ay makikita naman ang larawan na nagpunta siya sa burol ng ina ni Sue bilang resibo na mali ang haka-haka na hindi siya nakiramay.
Ang bagong post nilang ito ay isa ring patunay na okay na okay pa rin ang relasyon nila kaya naman masayang-masaya rin ang kanilang fans.
Natuwa rin ang supporters ni Sue na makitang moving forward na ang aktres matapos ang pagpanaw ng ina.
- Latest

























