^

PSN Showbiz

Bimby, Wala nang pag-asang makaayos ang ama

Pilipino Star Ngayon
Bimby, Wala nang pag-asang makaayos ang ama

Proud mom ang tinaguriang ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino sa kanyang pangalawa at bunsong anak na si Bimby (James Carlos Aquino Yap) dahil bukod sa ini-enjoy nito ang kanyang stint sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, meron na rin siyang unang brand endorsement na may kinalaman sa healthcare.

Sa kanyang batang edad ay namulat si Bimby sa kahalagahan ng healthcare ng isang tao lalupa’t naranasan mismo ito ng kanyang ina na humarap sa life-threatening illness, rason kung bakit ito huminto (pansamantala) sa kanyang hosting and acting job.

Although Kris is on the road to recovery, naniniwala si Bimby sa kahalagahan ng healthcare.

Samantala, unti-unti na ring nakakabuo ng followers ang tambalan nina Bimby at Ryzza Mae Dizon sa Eat Bulaga. Ang dalawa ay unang nagtambal sa pelikulang My Little Bossings in 2013 na pinagbidahan mismo ni Vic Sotto na isa sa mga haligi ng Eat Bulaga.

Marami rin ang pumupuri sa teenage son ni Kris dahil kahit nasakripisyo ang kanyang pag-aaral, ginawa niyang prayoridad ang pag-aalaga sa kanyang mom laluna nung sila’y nasa Amerika pa.

Marami naman ang nagtatanong kung kumusta na kaya ang kanyang relasyon sa amang si James Yap kung kanino niya minana ang kanyang height. Marami ang umaasa na sana’y ma-rebuild ang magandang relasyon ng mag-ama tulad noon.

Librong swan song: diana, my sister, lumabas na

Nahaharap na naman sa panibagong pagsubok ang British royal family particularly si King Charles III, ama ng magkapatid na Prince William at Prince Harry na may malaking gap ngayon.

Noong Aug. 26, 2026 pa bumalik ng London ang royal couple na sina Prince Harry at Meghan Markle bitbit ang dalawa nilang anak na sina Prince Archie at Princess Lilibet pero hanggang ngayon ay tila sarado kay Prince Harry at sa kanyang pamil­ya ang Buckingham Palace dahil ultimo mga royal event ay hindi sila imbitado inclu­ding their own security.

Itsapuwera na si Prince Harry and his family sa royal duties na kanilang tinalikuran nung January 2020 nang magdesisyon ang mag-asawang Prince Harry at Meghan na mag-relocate sa California, USA.

Sobra ang galit ng mag-amang King Charles III at Prince William kay Prince Harry nang magpa-interview ang mag-asawa kay Oprah Winfrey na nasundan ng librong inilabas ni Prince Harry, ang Spare kung saan niya in-expose ang ‘baho’ ng royal family.

Madadagdagan ang galit ng mag-amang King Charles III at Prince William ngayong released na sa market ang librong isinulat ni Earl Spencer, ang nakababatang kapatid ni Princess Diana, ina ng magkapatid na Prince William at Prince Harry kung saan kasama sa libro ang mga kaganapan sa Palasyo bago pa man nagkahiwalay sina dating Prince Charles na hari na ngayon at Princess Diana.

Si Earl Spencer ay very close sa kanyang namayapang kapatid at maraming ipinagtapat sa kanya ang namayapang Prinsesa bago ito sumakabilang-buhay nung Aug. 31, 1997.

On Aug. 31, 2027 ay 30th death anniversary ni Princess Diana, ang well-loved Princess of Wales.

Ang paglabas ng Swan Song: Diana, My Sister ni Earl Spencer ay tiyak na magiging ma­laking blow sa royal family na inuulan ngayon ng katakut-takot na kontrobersiya.

HEALTHCARE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with