Mynt nakakuha ng PSE approval para sa GCash IPO

MANILA, Philippines — Nakakuha na ang Mynt, ang parent company ng GCash nang pormal na approval mula sa Philippine Stock Exchange (PSE) para sa plano nitong Initial Public Offering (IPO) at paglista ng shares nito sa stock market.
Kasunod ito ng paghahain ng Registration Statement sa Securities and Exchange Commission (SEC) na inaasahang ilulunsad ang IPO sa Oktubre 2026, subject sa final regulatory approvals at market conditions.
Plano ng Mynt na mag-alok ng hanggang 8,027,409,600 common shares (“Firm shares), na may overallotment option na hanggang 1,204,111,400 secondary common shares (“Option Shares”).
Ang firm shares ay binubuo ng 1,605,481,900 primary common shares na ilalabas ng Mynt at hanggang 6,421,927,700 secondary common shares mula sa mga kasalukuyang shareholder.
Ang shares na ibibigay sa Firm shares ay katumbas ng humigit-kumulang 12.0% ng issued at outstanding shares, o 13.8% kung ganap na gagamitin ang overallotment option, mula sa kabuuang 66,895,913,057 shares.
Ang Morgan Stanley & Co, International PLC, J.P. Morgan Securities plc, at UBS AG Singapore ang Joint Global Coordinators at Joint Bookrunners. Ang International Joint Bookrunners naman ay ang Jefferies Singapore Limited, CLSA Limited, at Hongkong and Shanghai Banking Corporation Limited, Singapore Branch.
Samantalang ang BPI Capital Corporation at BDO Capital & Investment Corporation naman ang Domestic Lead Underwriters at Joint Bookrunners, habang AB Capital & Investment Corporation at First Metro Investment Corporation ang Domestic Lead Underwriters. At ang Maybank Securities Pte. Ltd. naman ang International Co-Manager.
Ayon sa Mynt, bahagi ng IPO ang susunod nitong yugto ng paglago, pagpapalawak ng financial inclusion, at patuloy na pag-develop ng GCash services.
Gayunpaman, hindi pa final ang IPO at nakadepende pa ito sa SEC at PSE requirements, market conditions, final offer terms, at iba pang kinakailangang approvals.
- Latest



















