^

Bansa

33 percent Pinoy naniniwalang gaganda ekonomiya - SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
33 percent Pinoy naniniwalang gaganda ekonomiya - SWS
Sa nasabing survey, 24% ang nagsabi na lalala ang ekonomiya, 32% ang naniniwalang mananatili sa kasalukuyang antas at 11% ang hindi sumagot.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Hunyo 20–29, 2026, 33% ng adult Filipinos ang naniniwalang gaganda ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan.

Sa nasabing survey, 24% ang nagsabi na lalala ang ekonomiya, 32% ang naniniwalang mananatili sa kasalukuyang antas at 11% ang hindi sumagot.

Nakapagtala ng +10 puntos ang net economic optimism na itinuturing na “fair” (+10 hanggang +19).

Malaking pag-angat ito mula sa -14 noong Marso 2026.

Bumaba ang optimism mula 2021–2024 (excellent/very high) hanggang sa low territory noong Marso 2026, bago muling umangat sa fair level nitong Hunyo.

Tumaas din ang optimism o pagiging positibo sa lahat ng education groups. Pinakamataas sa mga walang pormal na edukasyon o hindi nakapagtapos ng elementarya.

Pinakamababa sa mga college graduate/post-graduate na kabaligtaran ng trend noong 2023–2024.

Ginawa ang survey sa 1,200 respondents sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Min­danao.

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with