^

Pang Movies

Angelica, natupad na ang mga pangarap

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Angelica, natupad na ang mga pangarap
Angelica at Bean

Ang pagiging ina sa kanyang four-year-old daughter na si Amila Sabine (Baby Bean) sa kanyang Filipino-Australian husband businessman na si Gregg Homan ay isa sa most fulfilling and eternal role na patuloy na ginagampanan ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Matagal ding pinangarap ng 39-year-old award-winning actress ang pagiging maybahay at pagiging isang ganap na ina. Natupad ito nang kanyang isilang ang bubbly, smart and beautiful daughter na si Amila Sabine na may palayaw na Bean.

Para kay Angelica, ang role ng isang ina ay hindi niya kailanman pagsasawaan.

She is also very lucky na nakatagpo siya ng isang lalake na hindi lamang tunay na pagmamahal ang ibinibigay sa kanya kundi katuwang din siya sa maraming bagay sa pagbuo ng masayang pamilya.  

Tulad niya, ang kanyang mister na si Gregg ay isang loving, caring and responsible husband and father sa kanilang anak at wala na umano siyang mahihiling pang iba.

Sina Angelica at Gregg ay unang ikinasal sa isang civil wedding sa Amerika nung Dec. 31, 2023 witnessed by Angelica’s close friends na sina Kim Chiu, Bela Padilla and their daughter na si Bean na mahigit isang taon pa lamang noon. Ito’y sinundan ng kanilang second wedding ceremony in Siargao Island kung saan tumayong bridesmaids ang isa pa niyang close friend, na buntis na rin ngayon, ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro.

Although importante rin kay Angelica ang kanyang trabaho bilang aktres na kanyang sinimulan bilang child star, mananatiling top priority sa kanya ang pamilya.

Common knowledge na bago ang kanyang mister, nakarelasyon niya noon ang actors na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz na may kani-kanyang buhay na rin ngayon.

Si Angelica ay huling napanood sa kanyang Prime Video series na The Silent Noise na pinagtambalan nila ni Zanjoe Marudo.

ANGELICA PANGANIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with