^

Pang Movies

Ate Vi, ‘di pa alam ang plano ni Luis sa pulitika

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ate Vi, ‘di pa alam ang plano ni Luis sa pulitika
Luis

Ipinauubaya ni Star For All Seasons Vilma Santos sa anak na si Luis Manzano ang pagdedesisyon kung tatakbo ba itong muli sa susunod na eleksyon.

Matatandaang tumakbo ang TV host bilang Vice Governor ng Batangas noong 2025 midterm elections but unfortunately ay hindi nga ito pinalad na manalo.

Sa panayam kay Ate Vi sa Ogie Diaz Showbiz Update ay natanong siya kung papayagan ba niyang tumakbong muli si Lucky sa 2028 elections.

“Ang isasagot ko naman, it’s not my decision, it’s Lucky’s decision,” sey ng Gobernadora ng Batangas.

Pero sa nakikita raw niya kay Luis ay hayaan na raw munang mag-enjoy ang anak sa pagiging isang ama at sa career nito as TV host. “The way things are going, let him enjoy his life as a father and as the best host,” aniya.

Matatandaan ding nasabi na noon pa ni Luis na bagama’t hindi siya pinalad na magwagi ay hindi naman niya tuluyang isinasara ang kanyang pinto sa pulitika at patuloy pa rin siyang tutulong kung kinakailangan sa mga Batangueño kahit wala siya sa posisyon.

Anne, tumalak!

Niresbakan ni Anne Curtis ang isang basher na pinagtripan ang kanyang mukha at sinabing retokada siya.

Nag-post sa X ang netizen ng close-up picture ng aktres at sey niya sa caption, “Retokada yarn? Exhibit A – anak.”

Hindi ito pinalampas ng It’s Showtime host at sinagot niya ang basher. Sey niya, wala siyang retoke sa mukha at pareho raw silang maganda ng kanyang anak na si Dahlia.

“Can proudly say I’m not retokada at all and for me, for me lang naman, my daughter and I are both beautiful,” simula ni Anne.

Bukod dito ay nakatikim din ng talak ang basher mula sa aktres but in a nice way pa rin.

“I usually don’t give people like you the time of the day but wala lang. I don’t know who hurt you or why you’re so angry with me but nonetheless sending you some kindness maybe you some in your life.

“Big virtual hug. I mean that, sincerely. Good night!” sey ni Anne.

Kinuyog din ng fans ni Anne ang basher at ipinagtanggol nila ang aktres.

LUIS MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with