Liza, puring-puri sa Hollywood Movie!

Showing sa bansa ngayong araw ang pelikulang Forgotten Island, isang American fantasy adventure animated movie na rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).
Kuwento ito ng dalawang matalik na magkaibigan na naiwan sa Nakali, isang mahiwagang mundo na binubura ang mga alaala ng mga nakatira rito. Tampok dito ang mga boses nina H.E.R., Liza Soberano, Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy at Lea Salonga.
Ayon sa MTRCB, ito ay may positibong tema ng pagkakaibigan at isinasabuhay ang mitolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng “vibrant animation,” habang ipinapakita ang aspeto ng pang-araw-araw na buhay, kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
Pero kailangan ng patnubay ng magulang para sa mild fantasy violence at ilang nakakatakot na eksena nito ayon sa rating ng MTRCB.
Anyway, maganda ang feedback kay Liza sa ginawa nilang promo sa pelikulang ito. Pinupuri ng X (formerly Twitter) users ang kanyang masiglang hitsura—mula sa buhok hanggang sa maayos na paghawak sa props—at ang kanyang magaling na sagot sa mga panayam na may kaugnayan sa kulturang Pilipino.
Kaya naman, mas nagkakaroon daw ng pag-asa si Liza na magka-career sa Hollywood.
At sa pagbubukas sa bansa ng Forgotten Island, inaabangan kung tatangkilikin ito ng ating mga kababayan.
- Latest






















