^

Police Metro

Walang Pinoy na nasaktan sa Houthi attacks sa Riyadh - DMW

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang Pilipinong naiulat na nasaktan kasunod ng mga pag-atake ng Houthi militants sa Riyadh, Saudi Arabia noong Biyernes at Sabado, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Setyembre 21.

Tiniyak din ng DMW na masusi nilang mino-monitor ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Saudi Arabia upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Siniguro rin nila na handa ang embahada at konsulado na tulungan ang nangangailangang Overseas Filipino Workers (OFWs) doon.

Una nang sinabi ni Houthi military spokesman Yahya Saree noong Sabado na isang grupo ang nagsagawa ng military operations at tinarget ang ilang sensitibong site sa Riyadh, gayundin ang Aramco facilities sa Yanbu, bilang ganti sa mga naunang pag-atake sa Sanaa, na kapital ng Yemen.

Pinayuhan ng DMW ang mga Pinoy sa naturang bansa na manatiling vigilante at tumalima sa mga safety instructions at advisories na ipinalalabas ng Saudi authorities.

 Ang mga OFWs at kanilang pamilya na nangangailangan anila ng agarang tulong ay maaaring kumontak sa Migrant Workers Offices ng DMW sa Saudi Arabia o sa kanilang hotline na 1348 para sa mga nasa Metro Manila, 02 1348 para sa nasa labas ng Metro Manila, at +632 1348 para sa mga nasa ibayong dagat.

HOUTHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with