^

Probinsiya

Bayaning estudyante sa Banga school shooting, kinilala

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Bayaning estudyante sa Banga school shooting, kinilala
The Philippine flag flies at half-mast in front of the main building of Banga National High School in Banga, South Cotabato on September 19, 2026, a day after the shooting that left three students dead and eight others wounded. Inset shows Education Secretary Sonny Angara visiting the scene of the shooting, calling on local governments and communities to help schools strengthen their security.
NEWS5, DepEd photo

Mga kaklase sinagip, shooter itinaboy

COTABATO CITY, Philippines — Posibleng mas marami pa sana ang naging biktima sa pamamaril sa isang school campus sa Banga, South Cotabato nitong Biyernes kung hindi dahil sa lalaking estudyanteng walang armas na naki­paglaban sa Grade 9 na shooter at naitaboy ito sa kanilang silid-aralan sa kabila ng tama ng bala sa kanyang braso.

Magkahiwalay na iniulat nitong Lunes nina ­Banga Mayor Albert Palencia at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. na nagawa pa ng matapang na Grade 8 na estud­yante ng Banga National High School (BNHS) na sirain ang mga bintana sa likurang bahagi ng kanilang silid-aralan, matapos niyang isara ang pinto nito, upang makatakas ang kanyang mga kaklase, habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang kanang braso na tinamaan ng bala.

“Isang “act of heroism” ang ginawa ng estud­yante,” ayon kay Tamano, third term governor ng South Cotabato.

Ang estudyanteng tinutukoy ni Tamayo ay nakalabas na ng ospital kung saan siya dinala ng local government emergency response team na nag-responde sa insidente.

Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa kanilang tahanan at patuloy na may ayuda mula sa tanggapan ni Palencia at ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, na nasa magkatuwang na pa­ngangasiwa ng nurse na si Rolly ­Aquino at Tamayo.

“Bibigyan ng local government ng Banga ng special award ang bayaning estudyante dahil sa kanyang kabayanihan,” saad ni Palencia.

Sinabi naman ni Tamayo na hiwalay ding kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ang ginawa ng matapang na estudyante sa pamamagitan ng isang kaukulang citation at pabuya.

Magugunita na tatlong estudyante ang nasawi sa insidente noong Biyernes sa campus ng BNHS, kabilang ang salarin na nagbaril sa ulo gamit ang 9 millimeter pistol ng kanyang ama, matapos niyang isagawa ang walang habas na pamamaril ng mga schoolmates. Anim na iba pang mga estudyante, kabilang ang bayaning mag-aaral, ang nasugatan sa insidente.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with