^

PSN Showbiz

Kuwento ng mga down syndrone, number 1 sa Netflix

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kuwento ng mga down syndrone, number 1 sa Netflix

From MMFF (Metro Manila Film Festival) 2026 Best Picture hanggang sa Netflix’s #1, patuloy na wagi sa puso ng mga viewers ang pelikulang ImPerfect.

Isang magandang kuwento tungkol sa pagmamahal, acceptance, at equality ang nakahanap ng bagong tahanan at ngayon, mas marami pang naaabot nito ang nasabing pelikula.

Ang ImPerfect ng Nathan Studios ay streaming na nga ngayon sa Netflix at umakyat na sa No. 1 spot among the platform’s most-streamed movies in the Philippines.

Nauna nang gumawa ng kasaysayan ang pelikula sa MMFF nang manalo bilang Best Actress ang lead star nitong si Krystel Go, isang mahalagang milestone para sa representation ng mga taong may Down Syndrome sa Philippine cinema.

Pero higit pa nga raw sa awards at latest streaming success nito, ang  ImPerfect ay may dalang mensaheng mas malaki pa sa pelikula mismo.

Isang paalala na deserve nila ang parehong respeto, karapatan, opportunities, pangarap, at pagkakataong magkaroon ng isang full and meaningful life tulad ng lahat.

Para sa Nathan Studios, sa pangunguna ng veteran actress-producer na si Sylvia Sanchez at CEO na si Ria Atayde-Marudo, mas naging meaningful ang journey ng pelikula ngayong mas marami nang Filipino homes ang naaabot nito through Netflix.  “Sobrang saya namin. Noong ginagawa namin ito, ang gusto lang talaga namin ay mas maraming tao ang makakita at makaintindi sa mundo nila, sa mga pangarap nila at sa kaya nilang gawin,” sabi ni Sylvia.

“Hindi sila iba sa atin. May pangarap sila, marunong silang magmahal, gusto nilang magtrabaho at gusto rin nilang mabigyan ng pagkakataon. Sana pagkatapos mapanood ang pelikula, mas makita natin sila nang pantay, hindi dahil naaawa tayo, kundi dahil karapatan nila iyon.”

Para naman kay Ria, ang pagiging No. 1 ng pelikula sa Netflix ay nagbibigay ng mas malawak na platform para maipagpatuloy ang advocacyng pelikula. “Every new person who watches  I’mPerfect helps carry its message forward. Inclusion is not about giving people with Down Syndrome special treatment. It is about making sure they are given the same dignity, opportunities, and freedom to dream that all of us deserve,” ayon kay Ria.

“Knowing that the film is now reaching audiences through Netflix makes us incredibly grateful because the conversation can continue far beyond its theatrical run.”

Ang pelikula ay written and directed by Sigrid Andrea Bernardo, tampok ditot  sina Krystel Go at Earl Amaba, dalawang actors with Down Syndrome.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with