^

PSN Showbiz

Always... nina Joshua at Julia, Worldwide ang showing

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Always... nina Joshua at Julia, Worldwide ang showing
Julia Barretto at Joshua Garcia

Mapapanood worldwide ang pelikulang Al Mapapanood worldwide ang pelikulang Always Yours, Never Mine starring Joshua Garcia and Julia Barretto.

Ipapalabas ito sa UAE, Qatar, Bahrain, Australia at New Zealand simula Okt. 22; US, Canada, at Guam simula Okt. 23; UK at Austria simula Okt. 31; at Spain, France, at Italy simula Nob. 1.

Magkakaroon din ito ng European premiere at meet-and-greet session kasama sina Joshua at Julia sa UK sa Genesis Cinema London sa Oktubre 31. Nakatakda ang first screening ng 10AM at susundan ng second screening, 1PM.

May premiere at meet-and-greet din kasama ang JoshLia sa Palacio de la Prensa Cinema sa Madrid, Spain sa Nob. 1 (1PM at 6PM screenings).

Inaabangan kung mananaig ang pag-ibig sa loob ng mahabang panahon at sa kabila ng iba’t ibang bersyon ng pagkatao ng mga nagmamahal sa isang makulay at malawak na kwentong pag-ibig sa Always Yours, Never Mine na mapapanood na sa mga sinehan simula September 30 (Miyerkules).

Ginagampanan ng JoshLia ang kwento nina Apollo at Luna sa pinakabagong handog ng Star Cinema sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

Isang romantic drama ang pelikula na hahamon sa hangganan ng pag-ibig, tadhana, at panahon sa loob ng tatlong dekada.

Mula ito sa panulat ni Vanessa R. Valdez.

“Yung kwento po kasi ng Always Yours, Never Mine it spans 30 years, that’s why you’ll see the characters of Apollo and Luna in different stages and seasons of their lives. Ang magandang matatanong mo sa sarili mo kapag pinanood mo ang pelikulang ito: ‘Sa pagmamahal ko ba sa isang tao, napigilan ko siya na maging kung sino siya talaga dapat  maging?” paliwanag ni Vanessa.

“I don’t think this is just a love story; it’s actually a life story. It’s about how we love our lives, the choices we make, and even the choices we don’t make,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa pelikula sina Bianca Umali, Chandra Romero, Bob Jbeili, Karen Reyes, Migs Almendras, Paulo Angeles, at Joy Barcoma.

Tampok din sa pelikula sina Ina Raymundo, Franco Laurel, Reign Parani, at Jan Silverio.

Wala pang advice kung magbaba rin sila ng presyo ng ticket sa pagpapalabas nito sa mga sinehan.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with