^

PSN Showbiz

Pampiyansa ng kapatid ni Kim, kulang pa?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pampiyansa ng kapatid ni Kim, kulang pa?!
Lakam

Naging topic sa mga usap-usa­pan, sa ibang programa, sa talk shows, at kahit sa Miss Q&A ng It’s Showtime ang tungkol sa ‘di pag-imbita ng magulang sa kasal ng kanilang anak.

Obvious na nanggaling ito sa pahayag ng Olympics Gold medalist Carlos Yulo na hindi raw niya iimbitahin ang magulang niya sa araw ng kasal nila ni Chloe.

May kanya-kanya na silang opinyon tungkol diyan.

Ngayon naman ay pinag-usapan ang pagkakulong sa nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam.

Mahigit limang milyong piso ang piyansa at ang nakarating sa amin, mahigit 700 thousand pesos na lang at mabubuo na ni Lakam ang pampiyansa.

Pahihiramin kaya siya ni Kim para sa pansamantalang kalayaan nito?

Nagsimula na rin kasing pinag-usapan kung matitiis mo bang ipakulong ang kapatid mo ang kadugo mo mismo?

Nung nakaraang buwan lang ay ipinalabas pa sa HBO Max ang reality show ng ABS-CBN na Come Dine With Me.

Kasali si Kim sa isang episode, kasama sina Joel Cruz, KaladKaren, at Francis Libiran.

Ngayong lang ito na-stream, pero mukhang tatlo o apat na taon na itong na-shoot.

Pinag-usapan pa kasi doon ang pagkakasakit ni Lakam at mangiyak-ngiyak pa si Kim.

Ibinahagi pa niyang araw-araw daw siyang nagdarasal na malagpasan ito ng kanyang ate Lakam.

Devotee raw siya ni Padre Pio kaya isa raw ito sa ipinagdarasal siya na pagalingin ito ni Padre Pio.

Kinuwento pa ni Kim doon nung panahong iyun na nagre-recover na raw ang ate niya at tumulong pa raw sa pag-set up nung bahay niya sa Tagaytay na pinagdausan ng pa-dinner niya kina Joel, Kaladkaren at Francis sa Come Dine With Me. “Ngayon, masaya na siya (Lakam), Siya pa ang tumulong sa pag-set up nito. Paano na lang kung wala siya,” sabi pa ni Kim.

Nag-comment pa si Joel na nakaka-touch daw si Kim na nakita niya kung gaano niya kamahal ang pamilya niya.

“Basta family, ano weakness ko talaga. Hindi ko kaya pag wala sila. Para silang tikoy, nakadikit sila sa akin,” nakangiti pang sabi ni Kim habang nagde-dessert sila ng tikoy na ginawa niya.

Pero ngayon ay ipinakulong na ng actress/TV host ang sariling kapatid.

Itinuring pang no, 6 Most Wanted Person of Kamuning Police Station (PS 10) si Lakam.

Ayon sa report ng Quezon City Police District o QCPD, inaresto si Lakam noong Linggo alas-4:06 ng hapon sa may parking lot sa St. Francis St., Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.

Hindi nila binanggit ang tunay na pangalan nito at nakatakip ang mata at pangalan sa may mugshot.

Sabi ni Police Brigadier General Christopher Olazo; “No matter who the person is, a valid warrant of arrest must be enforced in accordance with the law. The QCPD will continue its intelligence -driven operations to locate wanted persons and bring them before the proper authorities.”

Vilma Santos, pinatatahimik na ang mga pagmamaktol sa national artist!

Hiniling na ni Gov. Vilma Santos sa mga Vilmanians na mag-behave na lang, manahimik na sa isyu ng National Artist.

Sinagot ng Star For All Seasons itong tungkol sa ‘di niya pagkahirang bilang National Artist, na ipinagmamaktol ng mga Vilmanians.

Nangyari ito sa Philippine Premiere ng pelikulang Sister Stella L ni Ate Vi na ginanap sa Metropolitan Theater noong Linggo.

Pagkatapos ng screening ay umupo sa Talk Back si Gov. Vi kasama si Laurice Guillen na si Sister Stella Bautista naman sa naturang pelikula.

Natanong ang tungkol sa isyu ng pagpili ng National Artist. Ani Gov. Vi; “Alam nyo po, iyung pagiging National Artist, napakatagal na pong isyu niyan.

“Ahh kasali tayo, hindi ka kasali, di ba? But again, at the end of the day, ang prinsipyo ko na po kasi ever since is… my Vilmanians, my friends, you know.

“Ang prinsipyo ko po sa buhay — if it’s meant to be, it’s meant to be. If it’s for you, it’s for you.”

Nagpalakpakan ang lahat sa pahayag ng Governor ng Batangas. “Kung hindi ka naman nasasali, it’s fine with me. Sa animnapu’t tatlong taon ko sa industriya, palagay ko naman, iyung ibinigay, ang ibinalik sa akin ng industriya ay malaking regalo na para sa akin.

“Siguro lang at this point in time, masyado lang naging maingay itong huling selection ng National Artist.

“But with utmost sincerity, I’d like to congratulate all our National Artists. Si Bing Lao, naging scriptwriter ko rin.

“Huwag na, masyado na… when we talk about this National Artist ahh issue, meron lang mga nangyayari na below the belt.

“Hindi na natin dapat patulan. There’s so much more in life! You get my point? There’s so much more in life,” dagdag niyang pahayag.

“Maybe it is not meant. But again, at the end of the day, life has to go on. And sa klase ng buhay ko, now that I am 72, tatlong bagay na lang ang priority ko sa buhay ko.

“Unang-una is, I’m praying to God, to take care of my fa­mily. Health of the people that I love.

“And third, protect my peace. Palagay ko, iyun na ang importante at this point in time.

“Wala nang ibang puwede pang magmaneho ng buhay ko. Because it is time that I enjoy life naman.

“Kasi, di ba, ang dinadala ko, lagi akong naka-competition. This time, I owe it to myself — ako naman,” sabi pa ni Gov. Vi na pinalakpakan nang lahat.

May mga sabi-sabi  na malabo raw hirangin na National Artist si Vilma Santos habang nasa mundo siya ng pulitika.

Sabi niya;  “Nasagot ko na yan. Alam nyo kasi, may mga ano iyan, may mga criteria, e, ‘di ba, para mahirang kang National Artist.

“But I guess, at the end of the day, we should respect the process. Tama ho ba?

“Pero kailangan, kung ngayon ako’y nagsisilbi at pinagkatiwalaan ng mga Batangueño, sa klase ng buhay na meron tayo. The challenges that we have around us now. Palagay ko po,  hindi ko po muna ipagpapalit ang puwede kong maitulong sa totoong buhay na, ng pangangailangan ng atin pong mga kababayan.

“So, at this point in time, I still have two years and eight months to go, at kung ito naman ay magiging sagabal kung… kung halimbawa po… sa pagiging isang National Artist, ay bayaan nyo munang magsilbi ako sa totoong buhay.”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with