Mister ni Bea, umiwas magpa-interview sa hakot relay!

Pinangunahan ng mister ni Bea Alonzo na si Puregold Price Club Inc. president Vincent Co ang ginanap na South Luzon leg ng nationwide Hakot Relay last Saturday sa Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite.
Pero hindi siya nagpa-interview. Bigla siyang nakitakbo ulit sa mahigit 4,000 runners, habang nag-e-enjoy sa hakot moments ng kumpetisyon.
Anyway, ang Southern Luzon leg—bahagi ng nationwide Hakot Relay series—ang naging hudyat ng paglulunsad ng kauna-unahang 8K individual Challenge ng Puregold, na sumubok nang husto sa kakayahan ng mga solo runner.
Humigit-kumulang 500 runners ang tumapos sa buong 8-kilometers, na nagpatunay na ito ay tungkol din sa paglampas sa sariling limitasyon at pagtawid sa finish line nang mas malakas kaysa dati.
Kahit umulan, ang iba ay lumahok sa tampok na “Hakot Relay” kung saan bumuo ng mga koponan ang mga kalahok at nagkarera habang nangongolekta ng mga grocery item sa kahabaan ng ruta.
Dito makikita ang pagkakaiba: ang Hakot Relay ay isang team event, samantalang ang bagong 8K ay isang individual competition.

Sa relay, kinailangang bumuo ng estratehiya at magtulungan ang mga koponan habang nagkakarera upang makapangalap ng mga grocery bago makarating sa finish line. Sa 8K individual Challenge naman, tinakbo ng mga kalahok ang mas mahabang distansya nang mag-isa.
Mga limang daan ang nag-participate sa kauna-unahang eight-kilometer individual run, at kabilang na nga si Vincent, na obserbasyon ng marami ay mas gumuwapo at halatang in love na in love ngayon.
Kung si Bea raw ay blooming at may glow up, ganundin si Vincent.
Nagsimula ang mga kalahok sa isang warm-up bago tumungo sa starting line at tapusin ang kani-kanilang mga ruta sa loob ng itinakdang cut-off time.
“We wanted to offer runners a fresh and enjoyable way to challenge themselves, with the ‘hakot’ mechanic adding a playful and uniquely Puregold twist to the race. Being part of the running community is meaningful to us, and it is a privilege for Puregold to bring people together for a shared panalo experience,” saad ni Ivy Hayagan-Piedad, Puregold senior marketing manager.
Pagkatapos tawirin ang finish line, kinuha ng mga runner ang kanilang mga premyo at bumisita sa mga sampling booth ng mga kalahok na brand. Nagtapos ang event sa stage activities na pinangunahan ng mga sponsor at sa seremonya ng paggawad ngmga nanalo.
“We’re always looking for ways to level up the Hakot Relay and give Filipinos something new to look forward to,” dagdag ni Piedad. “This year, this meant introducing our first-ever 8K challenge and bringing the experience to an even bigger scale.”
Sa mahigit 4,000 runner na lumahok bilang mga koponan o indibidwal na kalahok, pinalawak ng South Luzon leg ang karanasang Hakot habang pinapanatili ang inaabangang premyo nito: karera papunta sa finish line—at pag-uwi nang may dalang mga grocery.
Sa Disyembre natakdang idaos ang Manila leg sa Burnham Green ng Luneta Park, na susundan ng isang sunset concert tampok ang ilang sikat na OPM artists ngayon.
Anyway, base sa mga post ni Bea, katatapos lang ng honeymoon nila ng bilyonaryong mister sa Europe, kasunod ng kanilang private civil wedding last July.
Mula nang magsimula ang kanilang relasyon, minsan lang sumama si Bea kay Vincent sa isang business event—sa isang warehouse sale ng supermarket chain nito, noong wala pang nakahula na aabot sa sekretong kasalan ang kanilang relasyon.
- Latest





















