Pagtanggal ng VAT sa ‘system loss charge’, ramdam na sa Nobyembre
MANILA, Philippines — Mararamdaman ng mga consumers ang pagtatanggal ng value added tax (VAT) sa allowable system loss charges na ipinaiiral ng mga power utilities VAT sa Nobyembre.
Ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC), nakipag-usap na sila sa mga stakeholders noong Biyernes upang madaliin ang pagpapatupad ng circular na inisyu ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Setyembre 14 para maplantsa ang mga mechanics nito.
“So hopefully, by October consumption natin ay mag-e-effect na ‘yung walang VAT sa system loss charge, at ito ay makikita na natin sa November na bill na matatanggap natin,” pahayag ni ERC chairperson Francis Saturnino Juan.
Nabatid na sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular 097-2026, sinabi ng BIR na ang system loss charges na pasok sa cap na aprubado ng ERC ay hindi na papatawan ng 12% VAT, at ituturing ito bilang government-mandated pass-through costs.
Nilinaw naman ng ERC na ang aalisin lamang sa ngayon ay ang ipinataw na VAT at hindi ang buong system loss charge na nasa pagitan ng P20 hanggang P30.
- Latest















