^

PSN Showbiz

Kim, hinahanapan ng reaction sa pagpapaaresto sa kapatid

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, hinahanapan ng reaction sa pagpapaaresto sa kapatid
Kim Chiu
STAR File

Ano kayang nararamdaman ni Kim Chiu ngayon na inaresto na ng Quezon City Police District (QCPD) sa Mandaluyong City kahapon, Linggo, Sept. 20, ang kapatid niyang si Lakambini Chiu.

Si Lakambini ay nahaharap sa counts of 124 qualified theft.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inaresto ng mga pulis si Lakambini, 45, noong Sabado ng hapon sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong.

Ang pag-aresto ay base sa warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84, kung saan aabot daw P5.838 million ang piyansa.

Maaalalang last December ay nagsampa si Kim ng qualified theft laban kay Lakambini matapos daw na matuklasan ang mga iregularidad sa pera sa  negosyong pinasosyuhan nila.

Sinabi noon ng abogado ni Kim na kabilang si Lakambini sa pamamahala ng nasabing negosyo.

Kalaunan ay nagsalita si Kim tungkol sa mahirap na desisyong ito, at inamin na ang pagsasampa ng kaso laban sa sarili niyang kapatid ay isa sa mga pinakamasakit na hakbang na kanyang ginawa. “Hindi naging madali ang desisyon. Isa ito sa mga pinakamasakit na hakbang na ginawa ko sa aking buhay,” pahayag noon ni Kim.

Last week naman ay naglabas ng statement ang kampo ni Lakambini.

Nananatili raw itong umaasa na sana ang kapatid ni Kim ay pwede pa ring maayos ang usapin sa mabuting paraan sa loob ng kanilang pamilya.

Ito ay bahagi ng inilabas na statement ng kampo ni Lakambini sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Dominic Solis.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with