^

Bansa

CICC nagpapasaklolo sa IT ­experts vs dark web

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
CICC nagpapasaklolo sa IT ­experts vs dark web
Hinimok ni CICC Executive Director Aboy Paraiso ang mga may impormasyon o access sa mga online forum na maaaring makatulong sa imbestigasyon na lumapit sa mga awtoridad. Aniya, malaki ang maitutulong ng IT community sa pagtugon sa mga banta sa seguridad ng mga kabataan.
STAR/ File

MANILA, Philippines —Nanawagan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga IT community, hacking groups at computer forums na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagtukoy sa mga online activity na maaaring may kaugnayan sa insidente ng karahasan sa isang paaralan sa South Cotabato.

Hinimok ni CICC Executive Director Aboy Paraiso ang mga may impormasyon o access sa mga online forum na maaaring makatulong sa imbestigasyon na lumapit sa mga awtoridad. Aniya, malaki ang maitutulong ng IT community sa pagtugon sa mga banta sa seguridad ng mga kabataan.

Nauna nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang suspek sa pamamaril sa Banga National High School ay aktibo sa dark web. Ayon naman sa pulisya, nasangkot ang suspek sa online activities na nagpapakita ng marahas na gawain.

Ipinaliwanag ng CICC na ang dark web ay bahagi ng internet na hindi karaniwang naa-access gamit ang regular na browser at nangangailangan ng espesyal na software o kaalaman. Dito umano matatagpuan ang ilang online forum na ginagamit ng hacking communities at iba pang grupong nagtatago ng kanilang pagkakakilanlan.

Ayon kay Paraiso, kailangang magtulungan ang pamahalaan at IT sector upang matukoy ang mga posibleng online threat bago pa ito humantong sa panibagong insidente.

Pinayuhan din ng CICC ang mga magulang na bantayan ang online activities ng kanilang mga anak at maging mapagmatyag sa biglaang pagbabago ng kanilang kilos.

Aniya, mahalagang mapanatili ang bukas na komunikasyon sa mga kabataan upang agad matukoy ang mga posibleng panganib online.

CICC

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with