^

PSN Palaro

Chua bibida sa Pinoy cue artists sa Bangkok tilt

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Johann Chua ang pitong pambato ng Pilipinas sa magaganap na Bangkok Open 9-Ball Championship na magsisimula sa Nobyembre 17 hanggang 21, 2026 na lalaruin sa S1 Pool Hall & Sports Bar, Sukhumvit 15, sa Thailand.

Ang nasabing prestihiyosong tournament ay isang World Nineball Tour (WNT) Silver Ranking Event kung saan ay nakataya ang $63,000 prize fund.

Makakasama ni 34-year-old Chua na tutumbok ay sina James Aranas, Arman “Agila” Cagol, Rommel Santos, Dhahcir Mauricio, Patrick Gonzales at Harry Vergara.

Nabigyan ng parangal sa Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night si Chua dahil sa mga inuwing karangalan sa bansa noong 2024, nagkampeon  sa Reyes Cup, Hanoi Open Pool Championship at sa Shanghai Zen and Yuan Open Nine-ball.

“Mahaba pa ang araw kaya hindi namin sinasayang ang oras at panahon para sa pag-ensayo, gusto namain iuwi ang kampeonato,” sabi ni Chua pambato ng General Trias, Cavite.

Maging si Aranas na kalugar ni Chua ay naniniwala sa kakayahan ng mga kasama nilang Pinoy cue artists, kaya posibleng makaabot sila hanggang sa semifinals at maglaban sila sa Finals.

Kasalukuyang naka-upo si Chua sa sixth place sa WNT Rankings.

Magandang preparasyon din ni Chua ang nabanggit na tournament dahil nakatakda din itong sumargo sa 6th Asian Indoor and Marial Arts Games (AIMAG) 2026 sa Riyadh, Saudi Arabia.

CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with