Kagawad tinodas ng kaaway na parak!

MANILA, Philippines — Patay ang isang brgy. councilor o kagawad matapos itong bistayin ng kaaway na pulis sa naganap na karahasan sa Brgy. Mapno, Palapag, Northern Samar, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang nasawing biktima sa pangalan lamang nitong Roger, 50 taong gulang, Kagawad sa Brgy. Mapno.
Matapos ang ilang oras, sumuko naman sa himpilan ng Palapag Municipal Police Station (MPS) ang suspect na si alyas “Mel”, na nahaharap sa kasong murder.
Sa ulat ng Northern Samar Provincial Police Office (PPO), nangyari ang krimen nitong Biyernes sa nasabing lugar malapit sa Brgy. Auditorium. Kasalukuyang nakaupo ang biktima sa may waiting shed nang biglang sumupot ang pulis sa lugar na armado ng cal 9mm at bigla nitong pinagbabaril ang biktima.
Matapos na mapuruhan ang kaaway na kagawad, mabilis na tumakas ang nasabing pulis pero kalaunan ay sumuko rin.
- Latest

















