^

Metro

Parak nagmaneho ng motor na walang plaka, sibak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parak nagmaneho ng motor na walang plaka, sibak
Sa report, ang nasabing pulis ay miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ay kinastigo na ng kaniyang superior.
STAR / File

Nag-viral sa socmed

MANILA, Philippines — Matapos na mag-viral sa social media ang pagmamaneho ng pulis na sakay ng pribadong motorsiklo na walang plaka habang nakasuot ng uniporme sa Cubao, Quezon City ay sinibak na ito sa puwesto, ayon sa report kahapon. 

Sa report, ang nasabing pulis ay miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ay kinastigo na ng kaniyang superior.

Base sa imbestigas­yon, nakunan ang pulis na pinapaharurot ang kaniyang motorsiklo na walang plaka sa panu­lukan ng P. Tuazon Boulevard at EDSA, Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City.

Samantalang matapos ang beripikasyon, natukoy ng QCPD ang nasabing pulis na nakatalaga sa Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) at agad siyang inalis sa kanyang puwesto habang iniimbestigahan habang masusing sinisiyasat ang kaso. 

Ang nasabing ­parak ay dinala na rin sa QCPD Traffic Sector 3 para isyuhan ng mga traffic citation ticket at kinumpiska ang kanyang motorsiklo na isasailalim sa mga kinakailangang beripikasyon, dokumentasyon, at pamamaraan para sa maayos na disposisyon. 

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with