^

Pang Movies

Atasha, may sprain sa opening night! Aga pinayuhang wag pansinin ang bashers!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Atasha, may sprain sa opening night! Aga pinayuhang wag pansinin ang bashers!
Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
STAR/ File

Charlene kay atasha: ‘continue to be strong’

Bonggang-bongga ang opening night ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.

At sa totoo lang pahiya ang mga basher ni Atasha Muhlach.

Ginalingan niya ang pagganap bilang si Annie na taga-Frisco na nangangarap maging sikat na designer na hindi tumigil hanggang ‘di natutupad ang pangarap.

Bongga rin kasi ang ibang netizens, parang may ambag sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.

Na hindi pa man nila napapanood si Atasha, hinusgahan na kaagad nila.

Hindi raw nito kaya ang role. May ibang aktres daw na bagay rito.

May mga binabanggit silang pangalan.

But anyway, ang duda may isang young actress na gustong makuha ang nasabing role kaya may pattern ang bashing.

Hanash kasi ng iba napakarami raw mahuhusay na aktres.

Producer ba sila?

Pinaghugutan tiyak ni Atasha ang mga nasabing bashing kaya naman bigay na bigay siya sa pagkanta’t pagsayaw.

Parang ang gaan lang sa kanyang gawin ang ilang eksena.

Saka may kilig sa kanila ni KD Estrada. May chemistry.

Si Sam Concepcion naman ay nanggulat. Ang laki na pala ng katawan niya lalo na noong nakasando siya ng white.

Pinagbubulungan ng katabi ko na baka raw nagpa-inject. Ng ano kaya? Sabi steroids.

Ngek pero mahusay rin si Sam. Siguradong tamang duda lang naman ‘yung ibang nanood.

Baka lang nagulat sila.

Sumailalim sa voice and acting lessons si Atasha sa kanyang pagganap bilang si Annie.

Kaya naman, nagpapahid ng luha si Atasha sa curtain call.

Common knowledge kung paano pinagtulungan ng bashers si Atasha.

Bukod sa magaling ang cast including John Lapus and Jackie Lou Blanco, ang ganda ng production design.

Winner na winner. Na-master na nga ng Full House Theater Company ang paggawa ng mga musical sa napapanood sa Newport Performing Arts Theater.

Samantala, ayon kay Direk Chris Millado, natuwa siya sa naging performance ni Atasha sa opening night.

“Well, the excitement, the energy is very high. And she’s been working really hard for the past more than nine weeks, and I’m very very happy about her. The way she worked, the way what she’s achieved these many weeks. And of course, part of it is like part of the journey was her like finding ‘yung character talaga ni Annie Batungbakal.

“And I’m happy naman that she’s coming to her own in terms of giving her own interpretation. Ibang-iba ‘yung interpretation of course what we expected from the movie, because naiba nga ‘yung storyline.

“And one thing siguro about Atasha is what she brings,‘no? Of course ‘yung youthful adolescent energy that what we’re trying to portray Annie at the same time.

“‘Yung pagiging street smart na Annie Batungbakal, na hindi lang siya laki sa Frisco, Del Monte. So, hindi siya puwedeng mabudol.

“Nahanap niya ‘yung ano e, ‘yung pagiging determined na character ni Annie Batungbakal,” sabi pa niya sa aming interview

Bukod pa sa talagang ginawa raw ni Atasha ang lahat para sa kanyang role to the point na ilang beses siyang nagkaroon ng injury.

Pero never daw nagreklamo ang isa sa kambal nina Aga at Charlene Gonzalez.

“Well, the trouper that she is naman. She reco­vered maski she was in pain, she took like lots of painkiller. And then kinontinue naman,” pakli ni Direk Chris.

Na hanggang noong opening night pala ay may sprain siya na hindi naramdaman ng mga manonood: “Ngayon nagpe-perform ‘yan, may sprain siya talaga. She sprained herself the other day, ‘no? And that’s why, para makita namin siyang ganun... alam mo ‘yung saya niya. Mahirap ipaliwanag, pero kasama namin siya sa bahay. So, nakikita namin talaga ‘yung hirap niya na ‘yun,” kuwento ni Charlene.

“But sabi ko nga, ‘you got this, Atasha.’ I always believe in her,” tugon ni Aga.

At ang payo ni Aga sa anak na kinuyog ng ba­shers:  “I’ll be honest ano sa mga tumira sa kanya noon talaga. Sabi ko, huwag mo na lang pansinin ‘di ba?

“Ganun talaga e. Malaki ‘yung show ang gagawin mo. And this is work. And sa mga tumira sa kanya, galing sa isang ama po. Eh (napangiti muna siya), nagtatrabaho lang ‘yung bata ‘di ba? Ahh wala naman pinagyayabang. Gusto lang maghanap-buhay. Gustong gumawa ng show. Ayan panoorin n’yo po. Maraming salamat sa inyong lahat.

“Sa lahat na nagmamahal, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.”

Napangiti na rin si Charlene. At ang sabi na lang niya, “Ang sa akin lang, just you know, continue to be strong, and not just for Atasha but for everyone. Ahh don’t let anybody stop you for reaching for your dreams, continue to reach your dreams.

“Road’s never easy, may mga ups and downs. But always go for your dreams. Huwag po kayong matakot, and enjoy the journey.”

ANNIE

ATASHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with