^

Metro

Unified 911 palalawakin sa mga probinsya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palalawakin pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Unified 911 System upang mas mapalapit at mapabilis ang pagtugon sa mga emergency sa mga pro­binsya at malalayong komunidad sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi dapat nakasentro lamang sa Metro Manila ang emergency response at kailangang maging pantay ang access ng mga Pilipino sa serbisyo, saanman sila naroroon.

Sinabi ni Remulla na bahagi ng pagpapalakas ng sistema ang pag-turnover ng 20 emergency response motorcycles sa Iloilo City at Aklan. Mayroon ding limang regional call centers sa Cebu, Ilocos Norte, Isa­bela, Iloilo at Leyte bukod sa National Call Center sa Metro Manila.

Gamit ang language-sensitive call handling at geo-tagging, mas madaling matutukoy ng Unified 911 ang panga­ngailangan at lokasyon ng mga tumatawag. Ilan sa mga naitalang mabilis na responde ay sa food poisoning sa San Fernando City, La Union, insidente ng pagkadulas ng isang matanda sa Bacolod City at road collision sa Butuan City.

Binigyang-diin ni Remulla na layunin ng Unified 911 na matiyak ang mabilis at madaling paghingi ng tulong ng publiko, anuman ang kanilang lokasyon o wikang ginagamit. “Wherever you are, kahit ano man ang lengguwahe ninyo, Filipino tayong lahat na iisa ang ating adhikain,” ani Remulla.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with