^

Probinsiya

Pot session sa jeep nabisto, 3 ‘adik’ timbog

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pot session sa jeep nabisto, 3 ‘adik’ timbog
Kinilala lang mga suspek sa kanilang mga alyas na Marvin, Joshua, at Jupiter; pawang residente ng lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Huli sa akto na nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang nakaparadang jeepney ang tatlong pinaniniwalaang tulak at adik ng droga sa Brgy. Bagtas, bayan ng Tanza, dito, kahapon.

Kinilala lang mga suspek sa kanilang mga alyas na Marvin, Joshua, at Jupiter; pawang residente ng lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enfocement team ng Tanza Police dakong alas-2:50 ng madaling araw laban sa mga suspek hanggang sa maaktuhan sila sa loob ng isang nakaparadang jeep at nagsasagawa ng shabu session.

Nasamsam sa mga suspek ang 4-selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 0.93 gramo.

Narekober din ang mga drug paraphernalia sa loob ng sasakyan.

JOSHUA

MARVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with