^

Police Metro

Pamilya Villar kinasuhan ng graft at administratibo

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng dalawang counts ng graft at adminis­tratibo sa Office of the Ombudsman sina Senator­ Mark at Camille Villar, dating Senador Manny at Cynthia Villar, Paolo Villar at iba pang opisyales ng local­ water district dahilan sa umanoy hindi maayos na serbisyo sa patubig.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ang reklamo ay kasalukuyang hinahawakan ng kanilang mga imbestigador upang dumaan sa proseso ng preliminary investigation.

Nag-ugat ang kaso ma­tapos makatanggap ang Om­budsman ng ulat mula sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) hinggil sa mga “grossly disadvantageous” na joint venture agreements mula 2015 hanggang 2022 sa pagitan ng Prime Water Infrastructure Corporation (PWIC) ng mga Villar at ng hindi bababa sa 75 local water districts.

Kapag napatunayan sa preliminary investigation­ ng Ombudsman na may sapat na batayan o pro­bable cause ang mga kasong kriminal tulad ng graft ay pormal nang iaakyat at isasampa sa Sandiganbayan ang kaso.

Sinabi ni Clavano na 19 sa local water districts ay nagpalabas na ng notices of pre-termination dahil­ sa kawalang kapasidad ng PWIC na tuparin ang kanilang obligasyon.

Sinasabing bigo ang PWIC na magsuplay ng tubig at sa halip ay nagkakaloob ito ng tubig na hindi akma sa water standards.

CAMILLE VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with