^

Police Metro

DOTr: Bokya ang pondo sa fuel subsidy, EDSA busway sa 2027

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang nakalaang pondo ang Department of Transportation (DOTr) sa fuel subsidy at sa EDSA Busway para sa 2027.

Ito ang sinabi ng DOTr sa panukalang 2027 budget briefing at kanilang attached agencies at mga korporasyon sa harap ng Senate Subcommittee on Finance.

 “Kami po ay humingi ng, I think P5 billion sa budget proposal po namin para sa fuel subsidy. Hindi po tayo nabigyan sa NEP po natin,” ani DOTr Acting Secretary Giovanni ‘Banoy’ Lopez sa Kongreso ng pondo para sa fuel subsidy.

Idinagdag pa ng kalihim na napapanahon ang fuel subsidy lalo na ngayong pa­tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Bukod dito, sinabi rin ni Lopez na wala ring ibinigay na pondo sa kanila para sa EDSA Busway, kaya’t humihingi sila ng tulong mula sa Senado.

Ani Lopez, nasa P1.7 bilyon ang pondong hinihingi nila para sa EDSA Busway ngunit zero funding­ ang ibi­nigay sa kanila.

Nakiusap naman si Lopez na maibalik ang pon­dong hinihingi nila para sa EDSA Busway dahil ma­raming nakikinabang dito.

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with