^

Dr. Love

Apektado sa pagkukumpara ng kumare

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Mila, 35-anyos, may-asawa at dalawang anak. Mahal ko naman ang mister ko, pero may isang bagay sa kalooban ko, na hindi ko na alam kung paano haharapin.

Nung una ay wala akong pakialam sa pagyayabang ng kumare ko tungkol sa asawa niya. Kapag nagkukwentuhan kami, lagi niyang ikinukumpara ang mister ko sa mister niya—mas malaki raw ang kinikita nito, mas magaling magdala ng pamilya, mas presentable at mas maalaga sa mga anak.

Pansin ko lang po na habang tumatagal, sinasadya na ni kumare na iparamdam sa akin na mas mababa ang buhay namin kaysa sa kanila.

Napapaisip tuloy ako kung kulang ba talaga ang mister ko.  Ayaw kong masira ang respeto ko sa aking asawa dahil lamang sa mga yabang at pagkukumpara ng ibang tao. Pero paano ko po haharapin si kumare nang hindi nagiging bastos o nakikipagpaligsahan sa kanya?

Mila

Dear Mila,

Tandaan mo, may kanya-kanyang kakayahan, kita, ugali at paraan ng pagmamahal ang bawat asawa.

Ang tunay na sukatan ng isang mabuting mister ay hindi lamang sa laki ng sahod o ganda ng buhay na naipapakita sa ibang tao, kundi kung paano niya pinapahalagahan ang kanyang pamilya.

At huwag mong hayaang na ang paulit-ulit na pagkukumpara ni kumare ay maging boses sa loob ng inyong tahanan.

Kapag lagi mong ikinukumpara ang asawa mo sa iba, unti-unting nawawala ang pagpapahalaga mo sa mga bagay na mayroon kayo.

Dahil ang tunay na mayaman sa pagsasama ay hindi iyong maraming maipagyayabang, kundi iyong maraming dapat ipagpasalamat.

DR. LOVE

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with