^

Police Metro

Solon sa DOJ: Ipaliwanag mga nakabinbing kaso

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinihingan ng paliwanag ni Samar 2nd District Rep. Reynolds Michael T. Tan ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa pag­hawak nito sa mga matagal nang nakabinbing Petitions for Review (PetRevs) at Motions for Reconsideration (MRs).

Si Tan, miyembro ng House Committee on Justice ay nagbabalak na magpatawag ng congressional inquiry upang siyasatin ang estado ng mga naturang kaso.

Nag-ugat ang kanyang interes sa isyu matapos na makatanggap ng liham mula sa pamilya ng magsasakang si Enrique Manas Sr., na napatay sa isang ambush sa Sta. Margarita, Samar noong 2017.

Sa liham ni Tan kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida, hiniling niya ang paliwanag ng DOJ sa status at procedural history ng nakabinbing MR sa Manas case, gayundin ang mga mekanismo ng Kagawaran sa paghawak ng mga kasong matagal nang suma­sailalim sa review.

Noong 2019, inirekomenda ng National Prose­cution Service ang pagsa­sampa ng kaso laban sa dating military colonel na si Emilio Zosa at mga kapwa akusado, na sinundan ng warrant of arrest mula sa RTC Tacloban noong Set­yembre 2021.

Nahinto ang prosecution matapos baligtarin ni dating­ DOJ Undersecretary Adrian Sugay ang naunang disposition noong Disyembre 2021, ngunit ibinalik ito ni dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong Enero 16, 2025. Noong Marso 19, 2026, natanggap ng RTC Tacloban ang criminal information na iniutos isampa ni DOJ Prosecutor General Ri­chard Fadullon.

Matapos maghain si Zosa ng MR sa DOJ, muling­ suma­ilalim sa departmental review ang kaso.

Ayon kay Tan, nais niyang matukoy kung ang umiiral na sistema ay naka­paghahatid hindi lamang ng maka­tarungan kundi napapanahon ding hustisya, habang iginagalang ang kala­yaan ng DOJ at kara­patan ng lahat ng panig.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with