Eala lalatagan ng red carpet sa ASIAD

MANILA, Philippines — Ilalatag ang pulang karpet sa pagdating ni Pinay tennis star Alex Eala sa 2026 Asian Games na aarangkada na ang opening ceremony sa Linggo sa Nagoya, Japan.
Isa ang 21-anyos na si Eala sa listahan ng ‘Athletes to Watch’ na inilabas ng Olympics website na inaasahang magbibigay ng magandang ratsada sa edisyong ito ng Asian Games.
Ayon sa website ng Olympics, isa si Eala sa mga pinakasikat na tennis players ngayon na dinudumog ang mga laban saan man ito maglaro.
“Quickly rising to be one of the most recognizable new names in tennis, Alexandra Eala enters her first Asian Games in the form of her life,” ayon sa post ng Olympics website.
Tinukoy ng Olympics website ang tagumpay ni Eala sa season na ito kabilang na ang pagsampa sa fourth round ng Wimbledon sa London at third round sa US Open sa New York.
Maganda rin ang kampanya ni Eala sa WTA 1000 events sa Dubai, Indian Wells at Miami.
Nasungkit pa ni Eala ang kanyang unang WTA singles title sa Mubadala DC Open sa Washington DC noong Agosto.
“She had already made history at Wimbledon, where she defeated six-time Grand Slam champion Iga ?wi?tek on her way to the fourth round,” ayon pa sa Olympics website.
Kasalukuyang No. 18 si Eala sa world rankings kaya’t inaasahang hahawakan nito ang No. 1 seed sa Asian Games.
Nagdesisyon si Eala na lumiban sa mandatory WTA event na Beijing Open para maglaro sa Asian Games sa kabila ng mga nakaambang penalty.
Kasama rin sa listahan ng Olympics website sina gymnast Amanda Yap at swimmer Russel Pang ng Singapore, cricket player Vaibhab Sooryavanshi ng India, trackster Rumesh Tharanga Pathirage ng Sri Lanka, swimmer Yu Zidi ng China, gymnast Nishiyama Misa ng Japan, at cricket player Allah Ghanzanfar ng Afghanistan.
- Latest






















