Kim, ‘niyakap’ na ang kaso ng kapatid!

Tila niyakap na ni Kim Chiu ang kanyang laban sa kapatid na si Lakambini Chiu.
Parang walang distraction. Tuloy ang pagiging girl boss vibe niya.
Sa post ni Kim kahapon ay ipinakita niya ang mga bagong collection sa kanyang bag business.
Dedma na rin siya sa intrigang preggy siya.
Aniya sa post: “Back at it!
“Every time we launch a new collection, I always make sure I personally arrange all our Bunny Bags. There’s something so therapeutic about organizing them by color, size, and design. Seeing everything perfectly arranged after all the planning and hard work is sooo satisfying!
“And tadaaaah… HERE IT IS!!!
“We added 6 NEW DESIGNS TODAY to the HOLBPH family!” sabi niya.
Ang nasabing negosyo ang pinag-ugatan ng kaso sa kanyang kapatid na ngayon ay kinasuhan nga niya ng 124 counts of qualified theft.
Hanggang ngayon ay lungkot ang nararamdaman ng ibang fans nang lumabas ang desisyon ng prosecution sa demanda ni Kim kay Lakam.
Ang nagsimula ngang negosyo ng magkapatid ay nauwi sa isang legal battle.
- Latest




















