Dalawang host, wagas ang plastikan
PLASTIKAN na lang daw ang nagaganap sa dalawang hosts ng isang daily show ayon sa aming source.
Ramdam na raw ni host 1 na ayaw sa kanya ni host 2. Magaling lang silang artista pero kapag hindi nila segment ang nakikita sa TV eh dedmahan lang sila.
Eh gustuhin mang tsugihin ang isa sa kanila, malabong mangyari dahil kapwa malakas ang following at parehong malakas ang kapit sa mga boss ng show!
Dati nang nababalitang may silent feud ang dalawa. Pero hindi naman nila puwedeng iwanan ang show dahil mahahalata kapag wala ang isa!
Robb at Yasser, matibay raw ang relasyon
VERY good daw ang relasyon ng VMX star na si Robb Guinto at dating Sparkle artist na si Yasser Marta.
Pero hindi na nagbigay pa ng details si Robb nang humarap siya sa media para sa streaming ng VMX movie niyang Desperada.
Naipalabas na sa Sinag Maynila ang Desperada kung saan winner pa si Yasser ng best supporting actor.
Mula ito sa direksyon ng award-winning director na si Louie Ignacio na sinabing mas matapang daw ang VMX version ng movie niya.
Of course, more than the hot and sexy scene sa movie, ipinagmamalaki ni Direk Louie ang magagaling niyang artista kaya naman kaabang-abang ito sa VMX this Sept. 18!
- Latest






















