^

Pang Movies

Aga, bagets na ulit!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Aga, bagets na ulit!
Aga

At 57, napaka-young-looking pa rin ni Aga Muhlach, mister ni Charlene Gonzalez, at puwedeng mapagkamalang nakatatandang kapatid lamang ng kanyang mga anak na sina Luigi at ang kambal na sina Andres at Atasha.

Pinaghandaan nang husto ni Aga ang kanyang bagong Metro Manila Film Festival (MMFF) entry, ang prequel at 2nd Miracle in Cell No. 7 na adaptation sa 2013 hit Korean movie na Miracle in Cell No. 7 na naging entry ng Viva Films sa 2019 MMFF. Nanguna ito sa takilya noon – among the eight official entries.

Halos buo pa rin ang original cast ng Miracle In Cell No. 7 na tinampukan din nina Xia Vigor at Bela Padilla kasama sina Joel Torre, Mon Confiado, Soliman Cruz, JC Santos, Jojit Lorenzo at iba pa.

Pero bagong pasok ang character ni Jodi Sta. Maria na siyang gaganap sa papel ni Angela, ang tatayong ina ni Yesha (Xia). Pasok din ang bagong character ni Toto played by indie actor na si Jansen Magpusao. Kasama rin sa pelikula sina John Arcilla, Ronnie Lazaro at iba pa.

Samantala, overjoyed si Aga dahil pumayag si Jodi Sta. Maria na makasama sa movie. Personal request umano ng dad nina Atasha at Andres si Jodi na siyang gumanap sa papel na Angela, ina ni Yesha (Xia).

Twenty-five years ago nang una at huling magkatrabaho sina Aga at Jodi nang mag-guest ang huli sa weekly sitcom ng actor sa bakuran ng ABS-CBN, ang OK Fine, Whatever pero first time nilang magkakatrabaho sa isang full-length movie, bagay na ‘di pinalampas ni Jodi. “Actually, quota na po ako for this year (2026) pero nakakapanghinayang palagpasin ang ganitong kagandang project,” pahayag ni Jodi during the cast reveal.

Inamin ni Aga na kinausap umano niya si Boss Vic Del Rosario, Jr. na kapag hindi pumasok sa MMFF ang 2nd Miracle in Cell No. 7 ay hindi niya gagawin pero lumusot bilang isa sa walong official entries.

Luckily for them, pasok sa unang Top 4 entries base sa script habang ang natitira sa Top 8 based on finished films ay saka lamang ia-announce ng MMFF Screening Committee.

Dahil ganado ngayon si Aga na gawin ang 2nd Miracle in Cell No. 7, kinarir nito ang pagpapapayat sa pamamagitan ng disciplined diet, exercise at cycling hanggang maibalik niya ang kanyang ideal weight.

Nagmukhang bagets muli si Aga nang ito’y mag-slim down.

Kung sina Aga, Jodi at Xia ang mga pangunahing bituin ng 2nd Miracle in Cell No. 7, nagsanib-puwersa naman sina Vic Sotto at Vice Ganda sa pelikulang The Greatest Showdown mula sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana at joint production ng Star Cinema, The IdeaFirst Company at M-Zet Productions (ni Vic Sotto). Wala pa rito ang anim na ibang entries kung saan kasama ang pelikula ng Regal Entertainment.

Ang tanong ngayon ng marami ay kung mauulit ang winning streak ng Miracle in Cell No. 7 nung 2019 ngayong 2026.

Sa part naman ni Aga and the rest of the cast ay gagawin umano nila ang kanilang makakaya para sa kanilang respective roles sa pelikula na minahal at iniyakan ng mga manonood nung 2019.

AGA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with