Mommy ni Caloy Yulo, pang-asar ang sagot

Mapang-asar din ang parents ni Caloy Yulo, hindi diretsahang sinagot ang comment ni Chloe San Jose, ang girlfriend ng anak niya na nag-post ng “intayin niyo magsama mama nila at mama ni Rene” sa comment ng isang netizen na “baka soon nasa tv na naman si mother niyan at magpapainterview.”
May kinalaman ang comment ng netizen at sagot ni Chloe sa interview kay Caloy ni Karen Davila kung saan, sinabing hindi imbitado ang parents niya sakaling ikasal sila ni Chloe.
Ang parang sagot ng mom ni Caloy na si Angelica Yulo ay ang mag-post ng reels video with her dancing with her husband Mark Andrew Yulo and two friends. May caption na “Dancing in the rain” ang reels, malinis at walang isyu. Bumawi lang sa hashtag na #Nevermindher at alam kung sino ang pinatutungkulan.
Sa isa pang post, sinabi nito ang rason kung bakit napasayaw siya at ang mga kasama. “Yung madami kang benta kaya napasayaw ka. Thank yooouuu ssssooo mmuucchh.”
Suportado si Angelica ng kanyang followers, pinayuhan siyang magsuot siya ng red araw-araw para raw may mata na lumuwa. May tumawag sa kanila ni Mark na unbothered parents at patuloy silang maging positive.
Hinihintay ng netizens ang reaction ni Chloe sa post na ito ng kanyang future mom-in-law na hindi invited sa wedding nila ni Caloy.
Ang “mama ni Rene” na tinukoy ni Chloe ay si Rovelyn Baterbonia, mother ng pumanaw na basketball player na si Rene Baterbonia. Na-call out ng netizens si Chloe sa post niyang ito dahil bakit daw niya isinali ang mom ni Rene, hindi naman ito kasali sa isyu nila ng mom ni Caloy.
Gian, iniba ang hitsura
Haharap ngayong araw sa media si Gian Bernardino, hindi bilang lead vocalist ng Cup of Joe Band kundi bilang artista. Kasama kasi siya sa cast ng Viva Films horror movie na Pee-Mak, his first film sa pinirmahang film contract sa Viva Films.
Iniba ang hitsura ni Gian sa nasabing pelikula, kulot ang buhok, may suot na glasses at may suot na braces at sa malaking pagbabago ng hitsura, kahit ang fans hindi siya agad nakilala.
Kapag napanood natin ang movie, malalaman natin kung bakit ganoon ang hitsura ng buong cast dahil hindi lang si Gian ang binago ang hitsura. Pati sina Wilbert Ross, Bea Binene, Jairus Aquino, Vandolph at TJ Valderrama, binago rin ang hitsura.
Sa Oct. 14, 2026 na ang opening ng movie sa direksyon ni Victor Villanueva. Ang pelikula ay Philippine adaptation ng Thailand hit movie with the same title. Hindi lang ito horror, may takutan, pagmamahalan, kalokohan at pakikiligin kayo ng WilBea love team.
Anyway, hindi pa man naipalalabas ang Pee-Mak, may follow-up movie na agad si Gian. In-announce na kasama siya sa barkada movie na One for the Road at makakatrabaho sina Elijah Canlas, Emilio Daez at JM Ibarra.
Dream come true kay Gian ang mapasama sa cast ng Regal Entertainment barkada movie.
- Latest





















