^

Pang Movies

‘Blush’ ng BINI, pang-international na ang level

Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na pinag-uusapan sa iba’t ibang bansa ang latest single ng BINI na Blush matapos makisabay sa dance trend nito ang miyembro ng global girl groups na ITZY, STAYC, izna, 4EVE, no na at Say Now.

Unang ipinarinig ng BINI ang summery track sa kanilang performance sa Coachella, at mula noon ay lalo itong napansin ng music fans dahil sa catchy nitong tunog at nakakaaliw na choreography. Nang bumisita ang K-pop girl group na ITZY sa bansa para sa kanilang concert, ipinakita ni Chaeryeong ang kanyang sariling take sa Blush dance, na ikinasaya naman ng Blooms. 

 Nakisabay rin si Sieun ng STAYC sa dance trend, habang ipinakita rin ni Jeemin ng izna ang kanyang bersyon ng sayaw. Dumagdag din sa listahan ng international artists na nakisabay sa Blush ang Indonesian girl group na no na at British girl group na Say Now.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang Thai girl group na 4EVE matapos hilingin ng fans na gawin nila ang Blush dance challenge sa kanilang livestream.

Dahil dito, lalo pang lumawak ang dance trend at umabot sa mas maraming fans sa iba’t ibang bansa.

 Kasabay nito, patuloy rin ang paglawak ng BINI sa global music scene. Makakasama nila ang 4EVE at HANA sa Asia Pop Girl Fest 2027, na gaganapin sa Chiba, Japan sa Enero 22 at 23, Bangkok, Thailand sa Pebrero 13, at Manila, Philippines sa Pebrero 19.

 Samantala, patuloy na umaarangkada ang kanilang Signals EP sa Spotify na may 45 million streams na, patunay ng tuluy-tuloy na pagtangkilik ng fans sa kanilang musika.

Magpapatuloy ang BINI sa kanilang Signals world tour sa Melbourne sa Setyembre 20, Auckland sa Setyembre 25, Sydney sa Setyembre 27, Singapore sa Oktubre 25, at Taiwan sa Nobyembre 15.

BINI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with