^

Metro

‘Assault at illegal detention’ vs Michelle, Rhian, Samantha ibinasura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamong isinampa ni Bonifacio “Totoy” Baro laban sa aktres at beauty queen na si Michelle Dee, aktres na si Rhian Ramos, at beauty queen na si Samantha Panlilio kaugnay ng umano’y assault at illegal detention, iniulat nitong Miyerkules.

Ang tatlo ay sinampahan ng reklamong slight illegal detention, slight physical injuries, maltreatment, at unlawful arrest ng driver ni Ramos na si Baro sa piskalya noong Enero 2026 na nag-ugat umano sa alitan na may kinalaman sa isang pulang sobre na naglalaman ng mga sensitibong larawan. Kabilang sa alegasyon ang pagpigil kay Baron na makaalis ng condominium unit hangga’t hindi naibabalik ang larawang nasa pulang sobre.

Ikinatuwa naman ng kampo ni Michelle Dee ang pagkakaba­sura, at sinabing walang basehan ang reklamo laban sa kanilang mga kliyente mula pa sa simula.

“We are very happy with the resolution,” sabi ni Atty. Maggie Garduque, at iginiit na ang reklamo ay “bereft of merit” o walang basehan mula pa sa simula.

Samantala, sinabi ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na kukuwestyunin nila ang ginawang pagbasura sa reklamo at tinawag na “questionable” ang resolusyon.

Dagdag pa ng VACC, suportado nila si Baro sa paghahain ng “motion for reconsideration” sa naturang desisyon.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with