^

Bansa

National ID, gawing ‘age check’ sa social media — Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Sen. Panfilo Lacson na gamitin ang Philippine Identification System (PhilSys) o National ID bilang pangunahing batayan sa pagberipika ng edad ng mga gumagamit ng social media.

Sa kanyang interpellation sa Senate Bill 2424 o Child Online Safety and Protection Act na ini-sponsor ni Sen. Robinhood Padilla, iginiit ni Lacson na gawing simple ang proseso at alisin ang mga “technicality” at “gray area” na maaaring magpahirap sa implementasyon.

Si Lacson ang principal author ng panukala at sponsor ng PhilSys Act (RA 11055) na nagtatag ng iisang national ID system para sa lahat ng Pilipino.

Sa ilalim ng SB 2424, bawal magparehistro sa social media ang mga menor-de-edad na wala pang 16. Papayagan naman ang mga edad 16 hanggang wala pang 18, ngunit sasailalim sa age-assurance requirements at child-safety protocols.

Binanggit ni Lacson na ang mga pamamaraang nakasaad sa panukala gaya ng self-declaration, paggamit ng third parties, at artificial intelligence ay maaaring magdulot ng problema at lusutan.

Aniya, mas tiyak ang National ID dahil bawat Pilipino ay may dokumentadong pagkakakilanlan mula sa kapanganakan.

Iminungkahi rin ni Lacson na panatilihin ang pagbabawal sa social media hanggang edad 18.

ID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with