^

Police Metro

Amain arestado sa panghahalay sa dalagita

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 41-anyos na amain na nakalista bilang Station-Level Top 5 Most Wanted Person ang naaresto sa isang condominium sa Las Piñas City nitong Linggo kasunod nang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Parañaque City.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sinagawa ang operasyon alas-11:30 ng umaga sa isang residential condominium sa Barangay Manuyo Uno, Las Piñas City.

Ang suspek, na stepfather umano ng biktima, ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y paulit-ulit na seksuwal na pang-aabuso mula Agosto 2023 hanggang Setyembre 19, 2025.

Sa imbestigasyon, sinamantala umano ng suspek ang mga pagkakataong wala sa bahay ang ina ng biktima dahil nagtatrabaho ito.

Nahaharap ang lalaki sa pitong bilang ng ­Statutory Acts of Lasciviousness, na may inirekomendang piyansang P180,000 bawat bilang.

May hiwalay rin siyang kaso sa ilalim ng Section 10(A) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may inirekomendang piyansang P80,000.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Parañaque City Police Station.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with