^

Police Metro

‘Unexplained wealth’, puwedeng ikasibak ng opisyal - Cabotaje-Tang  

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na ang pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman ng isang pampublikong opisyal ay maaaring ma­ging batayan para sa kanyang pagkakatanggal sa puwesto.

Sa ika-24 na araw ng impeachment trial, nagbigay ng testimonya si Tang sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung saan iniharap siya bilang eksperto sa public ­accountability at mga batas laban sa katiwalian,  kabilang ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Civil Forfeiture Law, at batas na sumasaklaw sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs).

Sinabi ni House pro­secutor at Akba­yan party-list Rep. Chel Diokno na iniharap ng prosekusyon si Tang bilang testigo upang mabigyan ang mga senador-hukom at publiko ng legal na balangkas kung paano sinusuri ng anti-graft court ang mga ebidensiyang may kinalaman sa mga ari-ariang nakuha ng mga pampublikong opisyal habang nasa kanilang posisyon.

Bagaman at tinutulan ng defense panel ang pagharap ni Tang, nagpasiya si impeachment court presiding officer  Sen. Francis Escudero na hindi tumetestigo si Tang tungkol sa mga partikular na alegasyong iniharap ng prosekusyon sa impeachment case laban kay Duterte.

Sa kanyang direct examination, sinabi ni Tang na ang isang pampublikong opisyal na mapatunayang may hindi maipaliwanag na yaman ay maaaring humantong sa kanyang pagkakatanggal o pag-dismiss alinsunod sa umiiral na mga batas laban sa katiwalian.

Kinumpirma rin ni Tang na ipinapalagay na ilegal na nakuha ang ari-arian ng isang pampublikong opisyal kung mapapatunayang nakuha ito habang nanunungkulan na hindi naman “proportion” sa kanyang suweldo bilang public officer o empleyado.

Nilinaw naman ni Tang na ang presumption na ilegal na nakuha ang isang ari-arian ay hindi nangangahulugan na awtomatiko nang guilty ang isang tao sa isang krimen.

 

AMPARO CABOTAJE-TANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with